"Oohhh Louis.. ahh yesss' there ahh"
Agad ng napahigpit ang hawak ko sa sarili kong dibdib. Pilit nilalabanan ang emosyon na namumuo rito. Ang pamilyar na tinig na iyon ay kirot ang hatid sa akin. Wala mang luha ang pumapatak sa akin ay sa kaloob looban ko ay tila merong papel na napupunit na
Paanong nagawa nila ito sa akin?. Paanong nagagawa nilang babuyin ang mismong silid na aking pag aari?. Ganoon na lamang ba kataas ang libido na nararamdaman nila?.
Napatuwid ang aking likod ng ang halinghing ng babae at lalaking iyon sa silid ko ay mas lalong lumakas. Palatandaan na nalalapit na sila sa kasukdulan ng kasarapan na pinagsasaluhan nila.
Napasandal ako sa ding ding na nasa harap ng silid na ito at nag iisip ng nararapat kong gawin. Gusto ko man paganahin ang utak ko ay di ko maisakatuparan dahil ang aking emosyon ay tinutupok ang katinuan ko.
"Ahh ayan nako.. ohhh yeasshh ahh ahh"
Nakagat ko ang aking labi at naibaba ko ang kamay ko saka kinuyom iyon. Gusto kong masuka sa kababuyan na ginagawa nila. Subalit wala akong magawa kundi ang tumayo sa labas ng silid na binababoy nila at tila tuod na nag kokontrol ng emosyon.
Napalunok ako subalit parang sumakit lamang lalo ang paglunok ko dahil parang may bumabara doon. Sumisikip at lumiliit ang lalamunan ko para maging imposible na lunukin ang sariling laway.
Nanlalabo ang mata ko kaya napatingala ako upang hindi iyon tuluyang pumatak. Sa isip ay humuhiling na sana hindi ito totoo.
"Ohh f*ckk ahh" boses iyon ng lalaki kaya naman diko na napigilan pa. Ang butil ng aking luha ay sunod sunod na pumatak. Naging matunog ang aking paghikbi at bumigay ng todo ang ang aking pagkukunwari na ayos lamang. Natakluban ko ang aking bibig dahil sa aking paghikbi naging mahirap sakin ang mag isip ngayon dahil sa unang pagkakataon ay hinayaan kong pumatak ang luha na kay tagal ko ng kinimkim. dahan dahan kong hinakbang ang aking paa para walang makaalam sa aking presesnsya saka umalis sa lugar na iyon.
Patuloy ang pagpatak ng aking luha. Patuloy ang sakit na paulit ulit ko lamang tinitiis. Paulit ulit iyon at tila ba walang katapusan nakakasawa. Sa bawat maingat na hakbang ko ay parang pabigat ng pabigat ang aking dibdib. Nanlalabo pa ang aking mata dahilan para diko makita ang daan ng malinaw.
Agad akong bumalik sa aking sasakyan at wala na sa sariling pinaandar iyon. Di malaman kung saan nga ba akong pupunta?. Halos itakwil ako sa galit ni daddy kanina at ang kaibiga't asawa ko ay naroon at sabay na nilalasap ang sarap. Sinong kakapitan ko? Saan ako hahawak?
Sa pag papaandar ng sasakyan ng wala sa katinuan ay napadpad ako sa isang puno na natatanging nag iisa sa tabi ng kalsada. Tila ba nauunawaan ko ang nararamdaman nung punong iyon. O sabihin na nating ako ang punong iyon.
Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi ng puno at Wala sa sarili akong umiyak sa loob ng aking sasakyang ito. Nilasap ang sakit ng mag isa at umiyak na animoy bata. Di ko magawa ang mag reklamo. Diko magawa ang magalit o mapuot. Dahil tanging kahabagan sa aking sarili ang tanging nararamdaman ko ngayon.
Im dumbfounded finding how to ease this pain.
Paanong ang respektadong persecutor ay naririto at tinalikuran ng mundo, sa unang pagkakataon ay naging mahina ako. Sa unang pagkakataon ay tuluyan na akong pinalambot ng sakit na ito. Sa unang pagkakataon ay inayawan ko ang buhay na pinagmamayabang ko. Sa unang pagkakataon ay hiniling kong sana ay mamatay na lamang ako.
Ganito nga ba talaga kapag martir???? Gusto ko lamang naman maitama ang mali?. Pero bakit ganito kalaki ang kabayaran ng gusot na napakaliit lamang naman.
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...