Diane's plan
Diane POV
KINABUKASAN ay nagising ako at my kung ano parin sa dibdib ko ang sobrang bigat. Mula nung pag uusap namin ni Louis ay ganito na ang nararamdamn ko. Puno ng pagsisi ang katauhan ko. Natatangahan sa desisyon na ginawa ko noon. Pag mulat ko ng mga mata ay muli lang akong umiyak.
Flashback.
"Mahal parin kita kahit anong nangyari Diane. Pero bakit moko iniwan"
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sa nakalipas na anim na taon ay muli kong naramdaman ang ganitong pakiramdam na siya lang ang nakakapagbigay. Tuloy tuloy na naglabasan ang luha mula sa mga mata ko. Ang mga sinabi niyang iyon ay pagsisi ay agad na pinaramdam sa akin.
"Halos mabaliw ako araw araw kasama ang kaibigan mo habang ikaw ang nasa isip ko. At para akong pinapatay sa isiping kahit anong gawin ko di kana mapapasakin. Na kahit magpangap ako araw araw ay hinding hindi nako magiging ayos pa simula ng iwan moko Diane " mula sa pagkakahiga ay tumayo ito at umupo sa sariling paa upang makapantay sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha na kumakalat roon. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko "bakit ka umalis?" Naluluha na ani nito. Saka binitawan ang muka ko upang punasan ang luha niya. Nahahabag ako sa aming sitwasyon
"A-akala k-ko ba lasing ka?" Nag cracrack ang boses na tanong ko. Pero natawa lang ito sa naging sagot ko.
"Mahal parin kita" ani nito at nakagat ko ang labi ko.
"Louis..."
"Mababaliw nako Diane.... "
"Kalimutan moko Louis"
"Kung alam mo lang kung gaano kong sinubukan yon Diane"
"Akala ko bay nadidiri ka sa akin? Akala ko ba -
"Akala ko ba gagawin mo ang lahat bumalik lang ako sayo... pero bakit ka lumayo" parang bata na ani nito habang my luha sa gilid ng mata. Wala sa sarili kong niyakap siya at doon ay tuluyan nakong umiyak ng umiyak. Diko kinaya. Bigla na lang akong bumigay ng humagulhol siya. Tila isa akong bata na nagsusumbong sa kanya ng yumakap ako at sabay kaming umiyak sa isat isa
"Nung araw na marape ako aning ani ako sa sarili ko babe. Mababaliw ako diko alam kung san ako pupunta. Ang sakit sakit. Pero mas masakit yung makunan ka dahil sa kakainom dahil broken ka. Ang sakit sakit" nawawala sa sariling ani ko lahat ay sinumbong ko sa kanya habang nakayakap ako. Mula sa pagmomove on ko dahil sa pakikipag hiwalay sa kanya ng walang dahilan. Nung mawala ang baby. Kung paanong akong trinato ni daddy at ang hirap na dinanas ko sa ibang bansa. nagkakanda umiyak ako sa balikat niya at isinisigaw ang sakit . Paulit ulit naman siyang nag sorry habang hinahaplos ang buhok ko na umaabot sa likod ko para makalma ako. Nung mga sandaling yon ay sa unang pagkakataon ay naramdaman kong ligtas ako. Naramdaman kong ayos ang lahat. Naramdaman kong my nagmamahal sa akin. Ng kumlma na kaming pareho ay umupo kaming saglit at uminom ng tubig.
"Bakit di mo sinabing na rape ka at nakunan ka??" Ani nito winakasan ang katahimikan namin
"Sinabi ko kay Charlotte lahat. Akala ko ay sasabihin niya yon sayo" ani ko at narinig ko ang sunod sunod niyang mura.
End of flashback
Muli akong umiiyak ngayon di dahil sa masaya ako dahil sa narinig kong mahal niya parin ako. Kundi dahil sa nagsisisi akong hindi ako nagsabi sa kanya. Kung bakit basta ko na lang siyang hiniwalayan. At ngayon ay kahit ano gawin ko ay hindi na siya magiging akin pa. Napakasaklap. Sobrang saklap
Pero napahinto ako ng magbukas ang pinto. At niluwal jiyon si Louis. Napahawak ako sa kumot ko na hangang dibdib ko dahil wala akong suot na bra.
"Louis" gulat na ani ko. Pero ngumiti lang siya ng malawak at mas binuksan ang pinto. Saka pumasok. Gwapong gwapo ito sa suot na pantulog.
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...