CHARLOTTE POV
Martir?.. sumobra nga ata ang pagkamartir dahil mas pinili ko ang manahimik kahit ang sakit sakit na.
Kasalukuyang umaga ngayon at parang walang nangyaring magkakasabay kaming kumain ni Diane at Louis, Tanging kalansing ng kutsara lang ang namumuntawing ingay, ni umimik ay diko na magawa dahil sa sakit na kasalukuyan kong nadarama. Pero magaling nga ata akong aktres para ni isa ay walang makahalata sa sakit na kasalukuyan kong nadarama
"Uhmmm Charlotte, nga pala may nahanap na kong trabaho" pagbasag ni Diane sa katahimikan, bumaling ako sa kanya at tipid na ngumiti, saka bumaling sa pagkain ko at walang buhay na ngumuya.
"Good for you" sagot ni Louis, napatungo lalo ako dahil sa parang bumara ang kinakain ko sa lalamunan ko dahil sa simpleng salitang iyon ni Louis
Ohh damn
"Kaya nga eh, nakakahiya naman sa inyo na pabigat lang ako rito"
"You're not" sagot pa nito. Kaya naman napatayo na lang ako, sa unang pagkakataon ay di ko maitunghay ang ulo ko na palagi kong ginagawa. Ni makatingin sa kanila.
"A-ahh e-eh nga pala my aasikasuhin pako, una nako sa inyo" sagot ko at walang sabi sabi na tumalikod na
"Teka lang bess--"
"S-something U-urgent lang sorry" pilit kong inaayos ang tono ng boses ko. Saka nagmamadali na lang umalis.
Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay naiiyak ko na lang naiumpog ang ulo ko sa manibela. Hindi ko kaya ang emosyon ko, at napakasama ng pakiramdam na ganito. Kailangan ko ayusin ang sarili ko.
Pero paano.
Wala sa sarili na lang akong nagmaneho kahit diko alam saan ako tutungo, wala nako sa firm, wala naman akong client. Ano pa ba?. Wala na akong aasahan sa pamilya? At wala nang asawat kaibigan?
Natawa na lang ako sa sarili ko.
Habang nasa traffic ay naabala ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko, agad ko iyon tiningan, at pagak na lang akong napatawa dahil umaasa akong pamilya ko yon o kaya ang asawa ko. This is bullshits
Unknown number. Inayos ko ang sarili ko saka sinagot ang tawag
"Hello?" Tanong ko
"Hello.... Mrs. Gumban.. nasisiguro mo bang ligtas ang asawa mo" ani ng nasa kabilang linya para bumalik ako sa katinuan. Agad na nagtindigan ang balahibo ko sa narinig.
"Sino ka?" Diko pinahalata sa boses ko ang takot.
Paanong nalaman niya ang numero ko?"You know me too well prosecutor gumban.... very well" sagot nito saka nababaliw na tumatawa.
"What do want?" Tanong ko sa kalmadong paraan kahit na sa isipan ko ay kung ano ano na ang pumapasok.
Goddammit. Isa ba siya sa nakalaban ko?
"Ulo mo. Yung pugot sana wahahahahahah" mas nangilabot ako sa narinig ko. "Pero hindi magiging masaya yon kaya yung sa asawa mo na lang muna bago sa magulang tas kapatid mo at saka ikaw" mas tumawa ito ng malakas. Napalunok ako dala ng kaba
"Bibigyan kita ng isang buwan para makapiling sila, prosecutor, mahalin mo sila ng sagad bago sila mawala sayo. Bantayan mo na rin baka magbago ang isip ko baka mapatay ko agad ng wala pang isang buwan sige ka" ani nito at nanlaki talaga ang mata ko, kasabay pa niyon ang pagkabog ng dib dib ko, namawiss ako. Diko mahulaan kung sino siya, sanay nako sa dearh threat dahil parte na yon ng trabaho ko pero diko maiwasan kabahan.
Diko magawang umimik. Dahilan para mas tumawa ang nasa kabilang linya.
"Sinisigurado ko sayo Gumban. Mawawalan ka rin ng mahal sa buhay.. sinusumpa ko. Mag ingat ka, dahil di lang ako ang kalaban mo, baka mamatay kana bago kita patayin. Nakakalungkot naman yon" ani nito at binaba ang tawag. Wala sa sarili akong nag U-turn pabaliksa mansyon.
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...