Persecutor duty
Napabuntong hininga ako ng kaharap ko na naman ang mga papeles. Ano nga ba ang sunod na kaso ko ngayon?. Madaming kliyente ang lumalapit ngayon sa firm na pag aari mismo ng mommy. Pero si auntie ang my hawak nito ngayon at di magtatagal ay mapapasakin na. Isang taon na lang talaga. Hehe
My isang case akong binabasa ngayon at dito ako interesado. Attempted murder ang sinusulong nito. Kinse na ang biktima at lalaki. Tinitingan ko ang medeco legal nito dahil may hindi tama akong nakikita. Mayaman ang isang ito. Isa siyang dela costa kaya naman my mali talaga.
Tinitingan ko din ang picture ng naging crime scene. Bakanteng lote iyon at medyo malabo ang witness. My mga bakas ng dugo sa sahig at nandoon ang ginamit na patalim malapit sa matataas na ligaw na damo. Nanliliit ang mata ko habang sinusuri ang mga larawan at dokumento na nasa harap ko. Sa isip ay bumubuo na ako ng tatlong posibilidad na nangyari base sa position ng mga gamit at impormasyon na naroon pero my mali talaga diko maunawaan.
Nakagat ko ang ballpen ko at napabuntong hininga ng malaman ko kung anong mali rito. At hindi ko alam kung ano ang tama. Parang tama na mali. Pero natigil ang pag iisip ko ng kumatok ang sekretarya ko
"Ma'am nandito na po ang mga dela costa" ani nito at nginitian ko siya
"Sige papasukin mo" sagot ko at itinago ang mga larawan at. Pinatas ang mga documento sa aking tabi. Tumayo ako ng pumasok ang mga ito saka kinamayan at tinanguan
"Good morning. Its my pleasure to meet you all" nakangiting ani ko matapos kamayan sila.
"Good morning attorney " malugod na ani nila na sinuklian ko ng ngiti at tango
"Have a sit" ani ko. Tatlo silang narito. Isang ama, ina at anak. Napangiti ako aa loob loob ko. Napaka perpekto nila kung titingan
"Ano ho ba ang idudulog ninyo" panimula ko sa usapan. At doon ay kwinento na nila ang pangyayari at gusto nilang mangyari. Mahirap ang kakalabanin nila at napangiwi na lang ako. Bawat salita na binibitawan nila ay my ka ignorantehan. Halatang matapobre ang ginang at mayabang ang asawa. Wala namang kibo ang anak nila na my benda pa sa braso at my sugat at pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Bakit dika sumasabat totoy?? Ikaw ang biktima hindi ba??... pero pede ngang biktima ka. O suspect? uhmm ano nga ba
"Gusto kong makulong--"
"Kakausapin ko ho muna ang kabilang partido. Titingan ko ho muna kung susuko na habang maaga palang" pagputol ko sa sasabihin ng ginang ng di ako makatiis. Narurumaring ako sa kagaya nila. Naiinis ako at pinipigilan ko lamang iyon. Ramdam ko ang pag kuyom ng kamao ko sa ilalim ng lamesa.
"Oo nga mas mabuti kung susuko na agad sila attorney" sabad nung ama ng biktima kuno. Pinasadahan ko ng dila ang labi ko. Kapirangot lang talaga ang pasensya ko sa mga taong nagpapangap na biktima. Subalit Nag usap pa kami ng medyo may katagalan at ganon na nga lang ata kahaba ang aking pasensya upang masakyan pa sila.
Diko gaano napagtuonan ng pansin ang sinasabi ng mag asawa dahil sa pagoobserba sa binata. Medyo balisa ito. My kung anong kinatatakutan ito base sa expression niya
Tinaptap ko ng dahan dahan ang armchair ko. Napapa kagat sa labi ko.Maaring truma siya sa nangyari..... may pagkakahawig ang expression niya sa mga tao na natrutruma pero my iba. Takot siya ngayon at yon ang sigurado ko. Dahil ba sa alam niya ang pagkakamali niya o..
Hindi kaya naman takot talaga siya pero dahil yon sa kasama niya?... Palihim kong pinagmasdan ang ginang at asawa nito. Tila wala akong marinig sa kanila. Tanging buka ng bibig lang nila ang aking napapag aralan. Pati narin ang gestures ng matapobreng donya ay nagsasabing mapangabuso siya. Tsk
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...