Charlotte friend
Kinabukasan ay alas 3 na ng hapon ako nagising. Nagbawi ng tulog eh. Wala pa naman akong kasong hahawakan ngayon kaya nag leave muna ako ngayon ng dalawang araw para magpahinga. Tumayo ako saka nag stretching saglit at uminom ng tubig saka pumasok sa banyo at gumawa ng daily routine. Pagbaba ko ay bumungad sa akin si manang na nataranta agad ng makitang gising na ako.
"Ay shala ka ng kabayo. Gising napala ho kayo ma'am. Saglit ho iinitin ko lang ang niluto ko" natataranta na ani nito kaya nginitian ko lang siya saka dumaretso sa bakuran. Bumungad sakin ang araw na medyo tirik padin.
"Manang kuha mo na lang ako ng kape" ani ko ng maramdaman ko ang presesnya niya.
"Sige ho" sagot nito. Umupo naman ako sa swing na naroon. At marahan na inuga ang sarili. Meditating the moment. Pakiramdam ko kasi ngayon lamang uli ako nagkamahabang tulog. Nasa magandang mood tuloy ulit ako.
Ilang saglit ay inabot ni manang ang kape na itinimpla niya. Tinanguan ko na lang siya at muling tinuloy ang pagbubulaybulay sa kung ano anong bagay. Pero sa gitna ng pagmumuni ay nag ring ang cellphone ko na agad ko namang sinagot.
"Lotttlottttt my beybehhhh" malakas na sigaw ng nasa kabilang linya. Medyo nalayo ko ang telepono sa tainga ko sa lakas ng pagkakasigaw niya niyon.
"Heyy. Haha how are you?!"pormal na ani ko
"Parang di kaibigan. Ahh pormal mo teh. Gaga ka naman" ani nito at napangiti na lang ako
"Haha. How have you been nga?" Tanong ko na marahang dinuduyan ang sarili.
"Eto. Tatanda ng walang asawa. Inagaw mo boyprend ko eh" ani nito kaya natawa ako. Yes ex niya nga si Louis.
"Foul huh, Haha. Btw still happy-go-lucky parin ba?" Ani ko
"Ha ha ha. Malamang sa ka fubu na nga lang nagkaka happiness pipigilan ko pa ba" ani niya sa malanding paraan
She's Diane. My bestfriend mula nung collage pa kami. Uhm yeah nung collage din kami nung maging sila ni Louis. At mahabang kwento ang mga nangyari. But we all moved on na para sakin. Sana ay gayon din para sa kanila. I hope.
"Wala kabang balak umuwi rito sa pinas?"
"Bakit ako uuwi eh ang daming papi dito" sabay hagikhik
"You're such a big big flirt Diane"
"Well para dito na nga ata ako HAHAHA. Pero nandito ako sa pinas ngayon. Tinawag ako ng daddy eh" ani niya at na exite akong bigla. Mas lumawak ang ngiti ko sa aking labi
"Seriously?? Heyy apat na taon ka US, may alam kapa ba naman dito?" Pang aasar ko
"Malamang. Tuwid parin naman ako mag tagalog. Such a gaga" natawa ako sa kanya.
"Let's meet Diane. I really miss you" nakangiting ani ko habang nakatingin sa isang bulaklak rito sa bakuran.
"Kaya nga ako tumawag sayo. Yon ang sasabihin ko. Madami akong chika sayo" ani nito tila di nagbago mula noong mga kolehiyana pa kami
"Aww. Buti at naalala moko apat na buwan kang di tumawag ehh" kunwari ay nagtatampo na ani ko
"Eh baka ikaw ang busy na gaga ka. Balak mo atang maging pangulo kakahanap sa hustisya ng kung sino sino"
"Mamatay ako Diane kapag hindi ko yon ginawa" ani ko saka kami sabay na natawa. Paboritong linya ko yon. At don din kami nagkakilala.
"I remember back then. You're so brave to the fact that you can punch a man just to serve the justice "
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...