CHAPTER 11

52 2 1
                                    

Charlotte POV

Kasalukuyang nasa garden ako ngayon at nag tsatsaa. Tulog pa si Louis at di ko naman siya pedeng gisingin dahil magagalit lang yon sakin.

Pag naalala ko ang nangyari kagabi diko maiwasang pamulahan. Ano bang naisip ko at humantong kami sa ganon. Shit. Ang plano ko lang naman ay akit akitin ng konti si louis. Pero ng halikan niya ako kusa na lang akong nagpaubaya

Yung mga haplos niya. Ang mainit niyang halik. At yung.... yung.. yung dila niya. Ohhh gosh. Alipin na lang ba ko ng libido at nadala na akong kaagad sa ganon pa lang. Ang rupok ko naman. Muntikan ko pang isuko ang bataan.

Sa katunayan di naman problema sakin na ibigay ko sa kanya ang bataan. Asawa ko siya at walang masama saka hello 29 nako. Konti na lang ay mawawala nako sa kalendaryo. Pero kasi ayokong ibigay yon sa taong di pako handang mahalin. Naiintindihan ko naman na nadala lang siya sa pagnanasa at kalasingan kagabi kaya ginawa niya kung ano man ang namagitan sa amin di niya kailangang panindigan na kunwari gusto niya ako. Tss. kaya hindi niya kailangang humingi ng tawad sa kapangahasan niya o magpaliwanag sa nangyari. Lalo pa at ginusto ko rin naman.

Pero nasasaktan padin ako sa isiping habang katawan ko ang hawak niya. Habang ako ang yakap niya. Habang ako ang nasa ilalim niya ay si Diane parin ang iniisip niya.

Ganon niya nga ata kamahal si Diane.  Hayyst kung ganon i love my self. Tss kala niya haa. Likas akong mayabang bakita ako magpapadala sa kanya---

"Wala ka bang pasok" habang humihigop ng tea ay agad akong natigilan ng my nagsalita sa likod ko.

Boses niya pa lang ay kinakabahan nako. Muntik ko na maluwa ang iniinom kong tea. Kasabay non ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib. Bakit ba kung kelan ayokong makikita niya ako saka niya ko nakikita. Kung kelan naman kailangan ko siya saka siya sa ibang babae pumupunta

Sana na lang limot niya yung kagabi. Magpangap. Tama magpangap. Diko pa kaya harapin ang kahihiyang nangyari kagabi kaya magpangap.

"Ahh oo. Diba sabi ko nga sayo nandon na sa firm si auntie kaya free na free ako ngayon." Ani ko habang nakatalikod sa kanya diko magawang humarap. Shit shit. Bakit di ako makaharap lalo akong namumukang guilty sa bagay na diko alam kung ano.

Narinig ko naman ang hakbang niya papalapit kaya mas napapikit ako. Diko pa siya handang harapin eh. Baliw ba siya. Lahat ng naranasan ko kagabi 1st time. 1st kiss ko nga yon eh. Kaya kahit parang nag balik teenager ay diko masisi ang sarili ko na mag akto ng ganito. Lalo pa at siya ang gumawa non. Knowing kung gano kalamig ang pakikitungo niya sakin tas biglang ganon. Aishh

Maya maya pa ay alam kong nasa harap ko na siya. Nagpangap akong umiinom parin ng tea dahil diko magawa itunghay ang ulo ko. Ayokong tumingin sa kanya. Hiyang hiya ako. This is hilarious. Pakirandam ko mas gugustuhin ko pang kainin na lang ng pesteng lupang to

"Di pako kumakain. Pag hain moko" malamig na ani niya at muntikan nakong maluugan sa narinig ko. Yun lang pala eh. Easy

"Ahh sige" walang sabisabing tumayo ako at tinalikuran siya. Nasan na yung kapal ng muka ko.

Naramdaman ko naman siyang sumusunod sa akin kaya di parin kumakalma ang kabog ng dibdib ko. Ni hindi ko naramdaman ang gantong kaba kapag nasa bingit ako ng kamatayan tapos sa kanya paba. Aishh

Akala ko ay dederetso na siya sa dining area pero nagtaka ako ng sumunod siya pakusina. Kaya naman bumaling ako sa kanya. Agad na nagtama ang mata namin. My kung anong emosyon nakong nakikita don di kagaya ng dati. Tila ba napaka lalim ng titig niya kaya agad akong umiwas na diko naman gawain lalo pa at abogado akong gustong gusto ang makipagtitigan.

"Dun kana lang sa lamesa. I hahain ko na lang sayo" habang nakatingin kunwari sa ref ay sabi ko. Tumalikod naman ako sa kanya kasi di siya nagsasalita man lang. Mas lumalim lang ang titig niya kaya napapalunok na lang ako. Lalabas na ata ang puso ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

love After Hatred (love me mr. Louis)Where stories live. Discover now