Hello. Kung kayo ay naawa na sa martir na gaga ko pang bida. Same yawaa🤧
Panty
LOUIS POV
Mula sa pagkakahimbing ay nagising ang aking diwa ng maramdaman ang init na tumatama sa aking binti. Medyo nakaawang ang kurtina kaya naman pumapasok ang liwanag sa loob ng silid ko. Dahan dahan ko minulat ang aking mata at medyo tumulala saglit at pinakiramdaman ang paligid. Ng maramdaman kong namamanhid ang braso ko ay bumaling ako sa aking kaliwa. At doon ko nasilayan si Diane na nahihimbing habang nakaunan saking braso.
Sumilay ang ngiti ko. Kaysarap niya talagang pagmasdan. Parang araw araw ay mas minamahal ko siya lalo pa ngayon. Iniangat ko ang kamay kong isa at hinaplos iyon sa muka niya. Hinalikan ko ang noo niya at dahan dahan kong inalis ang nakaunan niyang ulo. Saka tumayo. Sinuot ko ang boxer ko saka dumaretso sa banyo at ginawa ang daily routine. Pagkalabas ko ay tulog parin si Diane kaya napagdesisyunan kong bumaba muna.
Dumaretso ako sa kusina and a sudden shocked rush into me when i saw my wife chopping something.
Anong ginagawa nyan?. Wala bang trabaho yang isang yan. Diko alam kung bakit makita palang siya ay kumukulo na ang dugo ko. Napagtiim ko tuloy ang bagang ko. Bigla naman siyang bumaling sakin ng maramdaman ang presensya ko. Napaatras naman ako ng ang nakakainis niyang mata ay tumama sakin.
Parang tigre ang mata niya. Maamo naman siyang tingan pero kakilakilabot talaga ang mata niya na mas kinakainis ko sa kanya. Sabihin na lang natin na ang buong pagkatao niya ang ayaw ko
"Ohh. Gising kana pala. Saglit lang to haa. Upo ka muna" ani nito at inaro pa ang upuan don sa my dinning area. Tumaas naman ang sulok ng labi ko.
"Bakit nandito ka pa?" Inis na tanong ko. Isa pa sa kinaiinisan ko lahat tinatawanan niya. Nakakainsulto. Baliw
"Malamang pinagsisilbihan ang asawa ko" malambing na ani niya pero mas kinainis ko lang. Kahit kailan ay diko makuha ang mga biro niya. Nakakainis.
"Tch" inis na singhal ko. Dumaretso na lang ako sa ref at kumuha ng isang mansanas.
"Akina. Gagayatin ko" biglang ani nito na sumunod pala sa likod ko. Medyo nagulat ako kaya naman mas na inis ako
"Ano ba!!" Sigaw ko na kunot ang noo pero tumawa na naman siya. Kaya napaigting ko ang panga ko
"Akina gagayatin ko kako"pag uulit niya na may matamis paring ngiti sa labi.
"Mind your own business. Bawasan mo ang pagiging pakilamera mo" inis na singhal ko at tinalikuran na siya.
Don't judge me. Diko ginagawa ang mga bagay nato dahil gusto ko lang. Hindi ko siya ayaw dahil sa naramdaman ko lang. Natatakot lang ako sa kanya. I just need to protect my self from her
She's a psychopath. She almost kill my brother.
Flashback.
6 years ago.
Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng graduation ko. At dalawang araw nading walang paramdam sakin si Diane mula nung sinabi niyang hiwalay na kami. I begged her. Paulit ulit akong lumuhod sa harap ng condo niya. Pero nag mumuka lang akong tanga.
Nagiinom ako na parang walang bukas. Dapat masaya ako ngayon dahil natapos ko na ang ilang taon na pag aaral at naka isang hakbang nako sa aking pangarap. Pero hindi. Hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Dinaig ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa
Sobrang sakit na iniwan ka sa kadahilanang di ko siya deserve. Fucking darn it. Sino siya para sabihin yon. Ako ang dapat magsasabi ng ganong bagay. Pero anong ginawa niya iniwan niya ako dahil lang sa ganon putanginang dahilan.
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...