Charlotte patients
"Paano mo nasabi na hindi ikaw ang nanggahasa kung mismong kaibigan mo na ang nagsabi? Mr Salazar" nakangiwi na ani ko at gaya ng inaasahan tumayo na naman para kumontra ang attorney ng mokong nato.
Siraulong to matapos mangahasa eh' sa pera at kakapangyarihan ng magulang kakapit. Pero dahil ako ang kalaban ng abogadong ito walang tatalab sa kanila.Pero sa katunayan ay medyo malakas ang kabilang partida. Bago ko kasi hinawakan ang kasong ito ay susuko na sana ang mag ina na walang pera dahil sa wala daw matibay na ebidensya. Dahil sa habag ko ay ako ang sumuporta sa kanila at nag imbestiga sa pamamagitan ng sarili kong pamamaraan.
Sabi kasi ng rapist na ito ay ginusto daw ito ng babae. Sa katunayan ay hindi daw ito nanlaban bukod daw kasi sa dati silang magkasintahan ay mahal pa raw siya nito.
Pero ang sabi ng kliyente ko ay tinakot daw siya nito. Nilasing siya ng todo. Kaya walang panlalaban na naganap. Hindi naman nagawang ipa medico legal ang bata dahil sa hindi agad ito nagsabi at nakalipas na ang isang linggo bago pa umiyak sa magulang dahil di kinaya ang depresyon
Naging mahirap sa parte ko ang ipaglaban ang partida namin subalit salamat sa awa ng nasa itaas ay kusang lumapit sakin ang ebidensya. My video akong nakuha na galing mismo sa cellphone ng suspect at isang witness na mismong kaibigan ng kabilang partida.
Matapos ang trial ay naging matunog ang ngisi ko ng my naipanalo na naman akong kaso. Kilala. Mayaman. Matalino at maganda sino nga ba ang papantay pa sa tulad ko. Kaya naman nakipagkamay agad ako sa dapat na kamayan.
Agad na lumapit sa akin ang pamilya ng biktima na umiiyak dahil sa wakas ay natapos ang kaso na isang taon din bago natuldukan. Kung hindi pa ako ang hahawak. Kaya napailing na lang ako. Napakabulok ng sistemang ito
"Diko po alam kung paanong pasasalamatan po kayo. Salamat po salamatt" umiiyak na ani ng ina ng biktima kaya naman malungkot na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Nahahabag ako. Nakipagkamay ako sa kanya at matamis na ngiti ang ibinigay ko. Halos halikan niya ang kamay ko kakapasalamat sa akin. Kaya naman tinapik ko ang balikat niya upang kalmahin siya at bitawan ako saka bumaling sa dalagita na umiiyak narin.
Hinaplos ko ang dalagita saka binigyan siya ng ngiting napakalawak na mas kinapatak ng luha niya. Natroma ang bata. Kaya napabuntong hininga akk at niyakap siya. Ilang dalagita na nga ba ang nakaharap kong kagaya niya.
"Salamat po.. diko po alam kung anong magagawa ko para matumbasan ang kabutihan niyo" umiiyak na ani nito kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya saka humiwalay sa kanya. Pinunasan ang luha niya
"Masusuklian mo lang iyon kung maipapangako mong kakalimutan mo na ang trahedyang ito mula sa araw na ito" nakangiting ani ko na mas kinaluha niya. Kaya naman pinakalma ko na lang siya.
Paglabas sa korte ay may mga ilang reporter na agad ang bumungad sa akin. Napangiwi ako saka sinuot ang shades ko dahil nasisilaw ako sa liwanag na mula sa camera ng mga ito.
Pauulit ulit ang tanong nila na
"Paanong tumakbo ang kaso?"
"Anong nararamdaman mo?"
"Hindi kaba natatakot at anak ng gobernador ang kinakaban mo?"Kaya naman ang ilang police na ang humarang sa kanila at gumawa ng daan para sa akin. Naging makulit pa ang iba pero hindi ko ng nagawa ang sagutin sila. Bukod kasi sa gusto ko ng magpahinga dahil isang linggong walang tulog na matino dahil sa kaaaral sa lintek na kaso e darating sa daddy sa bahay.
Naging magtunog ang ngisi ko ng paandarin ko na ang sasakyan. Binuksan ko ang music player at tumunog doon ang rakrakan kong kanta na halos di mo na maintindihan ang liriko dahil sa bilis nito. Napapa head bang tuloy ako.
YOU ARE READING
love After Hatred (love me mr. Louis)
RomanceSino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam kung "we lived happily ever after" pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang mayroon ng perpektong pamilya?. Sino nga ba? Paano kung diko naman...