CHAPTER 8

22 2 0
                                    

DONT HURT ME THIS BAD

LOUIS POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni mom and dad kasama si Diane. Naging maganda ang pagsalubong ng magulang ko kay Diane. Diko alam kung bakit parang mas masaya pa silang si Diane ang kasama ko at hindi si Charlotte. Diko naman na yon inisip dahil sa masarap na pakiramdam.

Kahit sa ganitong paraan pakiramdam ko ay si Diane ang asawa ko. Birthday ngayon ni daddy. Wala naman sa bahay si Charlotte kaya si Diane ang sinama ko. Ginawa kong palusot sa kanila na siya ang nasa bahay at hindi si Charlotte

Kasalukuyang kumakain kami rito sa garden. Simple lang lagi ang gusto ni dad. Gusto niya eh ako si mom at si kuya lang ang kasama. Ayaw ng en Grande

"Pero alam niyo ba tita kung anong nangyari don sa magnanakaw??. Aba eh kinagat ng aso ko." Banat ni Diane. Panay tawanan kaming apat dahil sa kanya

"Buti nga at di mo tinapon yang aso mo" natatawang sabi ni mom. Kakauwi niya lang sa korea. Dahil nga birthday ni daddy.

"Oo nga tita. Kung tinapon ko yung tutang yon edi na jutay ako don sa amerika. Sayang naman ang ganda ko. Iilan na nga lang ang maganda sa pinas babawasan pa ng isa" nagtawanan ang lahat.

"Maganda ka??" Bigla ay tanong ko

"Oo. Sige sabihin mong hindi??" Baling nito na nakataas na ang kilay.

"Oo maganda ka HAHAHA" tawa ko at nagtawanan kami

Naging masaya ang salo salong yon. Pero di don natapos ang usapan. Pinagpatuloy nila ang usap usapan ako naman ay nakikitawa nalang.Pero sa gitna ng pakikinig sa kanila ay may nakita akong bulto ng anino. Diko alam paanong napansin ko yon sa ganoong posisyon ko. My kung ano sa anino ang nakaagaw ng aking pansin.

"Excuse me. I need to go bathroom " pag papaalam ko. Tinanguan lang nila ako. Busy sila sa pag uusap. Kaya naman agad akong lumapit sa kinalalagyan ng anino. Pero wala na ito ron. Kaya naman nilibot ko ang aking paningin. Tanging bukas na gate na lang ang nahagip ng mata ko. Kaya naman tumakbo ako roon para makasilip.

Then a sudden shocked rush into me.

I saw Charlotte sitting there in the ground with a bit of smile.

Diko maipaliwanag ang biglang naramdaman ko. Natigilan ako at napakuyom ang kamao. Kanina paba siya nandito?. Is that my fault? Base kasi sa nakikita ko madungis siya ngayon. I know her very well. Ni lapatan nga ng alikabok ay ayaw niya but she's seems different today,

Magulo ang buhok niya na naka pony tail at medyo gusot ang damit niya. Wala siyang suot na make up pero namumula ang muka niya. Nakangiti lang siya ng simple habang nakatingin kung saan. Hindi siya ganito. Kaya naman diko alam kung anong dapat na maramdaman ko. My kung ano sa dibdib ko ang parang nasasaktan. Ilang minuto akong di makagalaw tanging tinitingan lang itong nandon. Nasasaktan ba siya?

Is it possible na may damdamin ang kagaya niya.? Gusto ko magalit sa kanya ngayong oras nato but somehow diko mahagilap kung nasaan ang galit na iyon. Ang tanging gusto ko lang sa oras nato ay talikuran na siya. Ayokong makita siyang ganito pero wala akong lakas para talikuran siya

Para akong tangang nakatitig lang sa kanya. Pero maya maya lang ay tumayo na siya. Ang ngisi niya ay nawala at walang emosyong naglakad papalayo. Gusto ko siyang pigilan at tanungin pero hindi ko magawa. I am fucking mad at her why would i do that?

Bumalik ako kila mom and dad but my mind.. parang lumilipad ito. Diko alam kung bakit ang tagpong yon ay nilamon na ang buong sistema ko. Wala naman siyang ginawa. Ngumiti lang siya roon at di man lang nga umiyak. I know na malakas siya. She never showed her weakness to others. Kaya siguro wala lang yon. Yes wala lang.

love After Hatred (love me mr. Louis)Where stories live. Discover now