DEVILISHLY MAY's P.O.VLumipas ang mga araw at ngayon ang ika-dalawang linggo ko dito sa HA.
Sa ngayon ay nandito ako sa loob ng section dangerous room, 8:45am na ngunit wala pa rin sila.Naisipan kung lumabas ng room upang sila ay hanapin. Habang nag lalakad ako ay nagtataka kung bakit walang mga studyanteng pagala-gala. Wala ding kahit isang istudyante sa loob ng mga buildings.
Malapit na ako sa hallway ng mga locker nang makita ko ang mga istudyanteng papabalik na sa kani-kanilang room.
"Hi ate, saan kayo galing?" tanong ko sa isang babae.
"Sa Battle arena. Teka! diba ikaw yung bagong teacher ng section Z?" tukoy niya sa Dangerous section.
Tumango naman kaagad ako sa kaniya bilang sagot. "So nakita mo ba kung nasan sila?" tanong ko.
"Ang alam ko nasa clinic sila ngayon." sagot niya na ikinakunot ng aking noo.
Ano naman ang ginagawa ng mga iyon sa clinic?
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Naglaban kasi yung Dangerous section at Vigor section kanina." sagot niya at muling nagsalita. "Sige po, mauna na ako may klase pa kasi kami e." paalam niya.
Tumango naman ako saka ngumiti, gumanti rin ito ng ngiti sa'kin bago siya naglakad palayo.
Kaagad naman akong tumakbo papunta sa clinic. Dalawa ang clinic dito sa HA, isa sa mga kalalakihan at Isa naman para sa mga kababaehan.
Nang nasa tapat na ako ng clinic ay agad kung hinawakan ang door knob saka iyon tinulak papasok upang bumukas ang pinto saka ako pumasok.
Nang makapasok na ako ay napatingin silang lahat sakin.
Napataas naman ang isang kilay ko nang makita kung lahat sila ay may mga pasa, yung iba ay konting sugat sa gilid ng kanilang labi.
"Anyari sa inyo?" tanong ko, kahit nalaman kona na nakipaglaban sila.
"Wala."
"Nakipag-away?"
"Nag bugbugan?"
"Rambulan sa kanto?"
Kanto-ng pinagsasabi nito?
"Naki-pag asaran?"
Patanong na sagot nilang lahat kaya ko sila tinarayan sabay lapit sa kanila.
"Wala bang nurse dito?" tanong ko, dahil sila lamang yung gumagamot sa mga pasa at sugat nila.
"Wala." simpleng sagot ni Uno.
Takte?! dalawa yung clinic, tapos walang nurse? Haup!
Kakaiba rin pala si tita Cristena. May pinagawa na dalawang clinic, tapos kahit isang nurse wala!
"Bat walang nurse?" tanong ko pa.
"Kasi kung gusto mo pang gumaling o mabuhay, ikaw na mismo ang gagamot sa sarili mo." seryusong wika ni Aron.
Marami pa pala akong di alam sa paaralang ito, na kailangan kung malaman.
"Eh! ikaw Bata, bat ka nandito?" tanong ni tandang Calyx.
"Malamang pinuntahan kayo!" sagot ko saka nag cross arm.
"Tulungan na kita." mahinang wika ko kay HARING TANDA/KING ZEUS saka ako lumapit sa kanya.
"Tsk! I don't need your help, Bata!" pa asik na wika niya sakin.
*Pok*
Nakiki-bata rin eh!
YOU ARE READING
The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)
Teen FictionStory of Zeus and Devilishly May.💕 Date started: October 20, 2020 Date ended: January 21, 2021