Chapter 8

493 24 1
                                    

DEVILISHLY MAY's P.O.V

Mabilis dumaan ang mga araw at dalawang buwan na nga akong nag tuturo dito sa Heaven Academy.

Sa ngayon ay papunta nako sa room ng dangerous section. Napatigil ako sa paglalalad nang may nakita akong mga studyante na nag sisiksikan sa gitna ng field.

"Anong meron don?" takang tanong ko sa aking sarili.

Agad naman akong nag lakad papalapit doon upang malaman kung ano ang nangyayari.

"Excuse me." wika ko sa mga istudyanteng nag sisiksikan.

Tumabi naman ang mga ito kaya nakadaan ako hanggang nasa tapat na ako ng dangerous section at vigor section.

"Kuya Drugo?" takang tanong ko habang nakatitig sa kaniya.

Sandali itong napaligil bago napabaling ang attention nilang lahat sa akin.

Nilingon ko ang mga Tandang Group/Dangerous section na nakataas ang kilay.

"Tinitingin-tingin niyo?" mataray na tanong ko.

Umirap ang mga ito sakin saka tumingin sila ng masama kay Kuya Drugo.

Napataas naman ang isang kilay ko ng lahat sila ay nag samaan ng tingin.

"Let's talk." malamig na wika ko kay Kuya Drugo.

"For what?" masungit na tanong niya saka niya ako tinaasan ng kilay.

Lumapit naman ako sa kaniya saka ko siya kinurot sa beywang niya.

"Pag sinabi kong mag-usap tayo, mag-uusap tayo!" masungit din na wika ko saka ko siya hinila.

"Hoy, g*g*! Saan mo dadalhin ang batang 'yan?!" sigaw ni Calyx.

Napailing na lamang ako.

Makasigaw si Calyx, animo'y si Kuya Drugo ang humila sa'kin kahit na ang totoo ay ako mismo ang nanghihila.

"Bata, wag kang sumama sa demonyong 'yan!" sigaw din ni Qeun.

Makademonyo ang isang 'to, akala mo naman sila mabait. Tsk!

"Baby teacher, 'di mo 'yan kilala!" wika ni Aron.

"Pag may masamang mangyari sa maliit na 'yan. .  mapapatay ka talaga namin!" Sigaw ni Bansa.

Itinaas  lang ni kuya Drugo ang kaniyang gitnang daliri sa mga ito at ngumisi kaya napairap ako.

"tsk!" rinig kung asik ni Haring Tanda bago kami makalayo pa sa kanila.

***

"At bakit 'di mo sinabi sa'kin na umuwi kana palang pangit ka?!" taas kilay na tanong ko sa kaniya sabay cross arm.

"Wag ka ngang ngumuso!" inis na wika ko nang ngumuso ito.

"Can you take off of your hand on my ears, bubwit?" tanong niya kaya mas hinila ko pa ang tainga niya.

Makabubwit ang isang 'to!

"Bakit hindi ka umiwi sa mansion eh nandito kana naman dito sa pilipinas?!" tanong ko saka binitawan ang tainga nya.

Namumula na kasi eh!

Tiningala ko naman ito dahil hindi siya sumagot.

Napa peace sign nalang ako sa kaniya  marahil malamig itong nakatitig sakin.

"A-ahh he-he-he b-bye k-kuya D-drugo,May k-klase pa pala ako." utal na wika ko saka kumaripas ng takbo.

"BUBWIT!!" malakas na sigaw niya sa garden kaya napailing iling nalang ako habang tumatakbo.

The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)Where stories live. Discover now