CALYX's P.O.V"Balita ko nasa hospital daw yung kambal ni bata." pag kukwento ko sa kay Aron.
Nag dadrive kasi ito dahil nga hinahanap namin yung batang teacher namin.
"Bakit?" Tanong niya habang nasa daan ang paningin.
"Di ko alam." sagot ko sabay kibit balikat.
*pok*
"A-Aray naman!" inis kong wika, binatukan niya kasi ako.
King*na lang! 'Kala niya 'di 'yon masakit?
"Mag kukwento ka man lang, hindi pa sapat!" inis niya ring wika saka niya ako inirapan kaya binatukan ko ito.
"F*CK YOU!"
"Di tayo talo!" nakangising wika ko kaya napairap ulit ito.
Kasalanan ko bang hindi rin sapat yung ibinalita sakin ni Bansa?!
King*na lang talaga ang sakit kaya nong pambabatuk nya sakin!
DEVILISHLY MAY's P.O.V
"Oh kumain na raw kayo sabi ni boss." wika nong isang lalaki saka niya nilapag yung pagkain sa kaharap naming maliit na mesa.
"Sa tingin mo makakakain kami nito?" walang gana na tanong ko sa kaniya nang akmang lalabas na ito.
Tanga nito!
Lumingon ito sakin at naglakad papalapit sakin saka niya tinanggal ang kadina na nasa dalawang pulsuhan at paa ko. At ganon din ang ginawa niya kay ate Rhianna.
"Umalis dito si boss kaya wag kayong mag aksaya na tumakas." wika niya saka tuluyang lumabas.
"Wala bang lason to?" tanong ko habang nakatingin sa pag kain na nasa harapan ko.
"Wala naman siguro." wika naman ni ate Rhianna.
Nang makatapos na kaming kumain ay napatingin ako sa kaniya.
"Maayos na ba ang pakiamdam mo?" tanong ko.
Nilagnat kasi siya dahil sa mga pasa at sugat na natamo niya mula sa mga kalalakihang kumidnap samin.
Tumango naman siya. " Kailangan na nating makatakas dito. Mas malala pa ang mararasan natin dito pag dumating siya." mahinag wika nya.
"Pero paano? Ramdam kung maraming bantay sa labas." wika ko. "At saka wala tayong armas , hindi ko narin alam kung nasan na yung eye glass ko." Hindi pang karaniwang eye glass yung ginagamit ko dahil isa iyon sa mga inimbinto ni twin bro. Maaari niya akong matracked sa pamamagitan ng laptop at nong eye glass ko, pero hindi ko na sout 'yon ngayon. At isa pa maaari ko din makita yung mga impormasyon ng isang tao pag sout ko iyon.
*bang*
*bang*
*bang*
Napapikit ako ng wala sa oras nang marinig ko ang tunog na iyon.
"Tara na." wika ni ate Rhianna saka niya ako nilapitan.
"Aalis na tayo dito." Bulong niya saka niya ako hinawakan sa aking kamay.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na may hawak na baril.
Tumingin naman ako kay ate Rhianna saka kami nagsi-tanguan.
Sabay naming sinipa ni ate Rhianna yung nasa harapan namin na may hawak na baril. Tumilapon ang baril ng lalaking nasa harapan ko kaya agad kung sinipa ang alaga niya kaya napayuko at napahawak ito sa kaniyang alaga.
Saka ko ito tinulak sa pader at inumpog ang kaniyang ulo kaya napahiga ito sa sahig saka nawalan ng malay.Napalingon naman ako kay ate Rhianna, napabagsak niya na rin yung lalaking kalaban niya. Tumango naman siya sakin kaya tumango rin ako saka kinuha yung baril na tumalsik kanina mula sa mga lalaki na kalaban namin.
"Tara." wika niya saka kami lumbas.
*bang*
"O-ouch!" Mahinang daing ko dahil sumakit ang isa kong binti kaya napaluhod ako.
"Ly!"
*bang*
*bang*
*bang*
Pag babaril ni ate Rhianna sa likod ko.
"Kaya mo pa bang mag lakad?" nag alala niyang tanong sa'akin.
Tumango lang ako saka tumayo. Humawak ako sa kamay niya at sabay kaming tumakbo.
Habang nag hahanap kami kung saan ang labasan ng building na ito ay patuloy parin yung mga putukan na naririnig ko at may mga bangkay rin kaming nakikita na nakabulagta na sa sahig.
"Nandoon yung labasan." turo niya sa isang malaking pinto na bukas na.
Napaluhod naman ako dahil mas sumakit ang isang binti ko na may tama ng baril.
"Kaya mo pa ba o bubuhatin na kita?" tanong ni ate Rhianna.
"Kaya ko pa." wika ko saka tiniis ang sakit na naramdaman at kumapit sa kamay niya saka tumayo.
"YUNG DALAWANG BABAE TUMATAKAS!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.
*bang*
*bang*
Kaagad kaming tumakbo ni ate Rhianna palabas upang iwasan ang bala at makatakas sa kanila.
*bang*
"A-ahh." Daing ko nang makalabas kami sa lumang building nang may bumaril sakin at natamaan ako sa likod kaya ako nadapa.
"Ly!" Sigaw ni ate Rhianna saka niya ako nilapitan at tinulungang makatayo.
Agad kong niyakap si ate Rhianna ng makatayo ako dahil may nakita akong maliit na pula sa damit niya.
*bang*
*bang*
*bang*
"BATA!"
"LY!"
"BABY TEACHER!"
Huling narinig ko saka lumabo ang paningin ko. "Princess!" at tuluyan na ngang nawalan ng malay.
THIRD PERSON's P.O.V
"LY!" malakas na sigaw ni Rhianna habang nasa mga hita niya ang ulo ni Devilishly.
*bang*
*bang*
*bang*
Sunod sunod na pag babaril nina Devileon, Drugo at ng mga Dangerous Section sa mga kalalakihang kumidnap kina Rhianna at Devilishly .
*bang*
"ANNA!" malakas na sigaw ni Drugo kay Rhianna.
"A-ahh." mahinang daing ni Rhianna nang may tumama sa braso niya.
Agad namang binaril ni Drugo ang lalaking bumaril kay Rhianna.
Nang mapabagsak nila yung mga kalalakihan ay mabilis na tumakbo si King Zeus papunta sa kinaroroonan ni devilisly at ganon din ang ginawa ng iba.
"Hoy bata gising." wika ng dangerous section.
Binuhat naman ni King Zeus si Devilishly at tumakbo papunta sa kotse nito saka niya pinasok si Devilishly at pumasok din ito saka pinaharurut ang kotse niya papunta sa hospital.
"Kuya." nakangiting wika ni Rhianna kay Drugo. Lumapit naman si Drugo sa kaniya at tinulungan itong makatayo saka sila nagyakapan.
"Tara na."wika ni Devileon.
Tumango naman sila saka sumunod kay King Zeus.
"D*mn! Baby don't sleep." alalang wika ni King Zeus kay Devilishly habang nasa daan ang kaniyang paningin.
Nakita niya kasi kanina habang binubuhat niya si Devilishly na gumagalaw pa yung talukap ng mga mata ni Devilishly.
Lumingon naman si Zeus kay Devilishly. "F*ck!" Inis na mura nito at mas binilisan pa yung pag mamaneho sa kotse nito dahil namumutla na si Devilishly, marahil marami na ang dugong nawala sa kaniya.
YOU ARE READING
The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)
Teen FictionStory of Zeus and Devilishly May.💕 Date started: October 20, 2020 Date ended: January 21, 2021