DEVILISHLY MAY's P.O.V
Kasalukuyang naka sakay ako sa aking kotse at si Manong Albert naman ang aking driver.
Papunta kasi kami ngayon sa Laguna. Doon sa isang rest house ko."Nandito na ho tayo, ma'am Ly." wika ni Manong Albert.
Agad naman akong bumaba saka pumasok sa gate.
"Good afternoon, ma'am Ly." wika ng isang katulong dito sa rest house.
Tumango lang ako sa kaniya. " Si Ate Rhiana po, nasaan?" tanong ko.
"Nasa kwarto niya ho, ma'am Ly, nag papahinga." sagot niya, tumango naman ako saka pumasok.
"Ate Rhiana." tawag ko.
*Tok*
*Tok*
*Tok*
"Ate Rhiana." tawag ko ulit.
Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Ate Rhiana na kakagising lang yata.
"Omg! Ly, kanina ka pa ba?" gulat na tanong niya saka niya ako niyakap.
"Hihi! kararating ko lang din Ate Rhi." sagot ko.
"Tara, pumasok ka muna." wika niya at nilakihan ang pag bukas ng pinto.
Pumasok naman ako saka umupo sa gilid ng kaniyang kama.
Si Ate Rhiana ay natagpuan kung palutang lutang yung katawan niya sa dagat nong naliligo ako.
13 years old ako noon ng naisipan kung mag bakasyon dito sa aking rest house.
Wala kasi non sina mom, dad, twin bro at kuya Drugo dahil busy ang mga ito.
~flash back~
Habang naliligo ako sa tabing dagat , ay may napansin akong palutang lutang at papalapit ito sa kinaroroonan ko.
At ng dahil sa na c-curious ako ay lumangoy ako papalapit doon.
Nagulat naman ako dahil sa aking nakita.
Isang babaeng maraming pasa at sugat sa kaniyang katawan.
Agad kong hinawakan ang kaniyang pulsuhan.
Nang maramdaman kong pumipitik pa ito ng mahina ay agad ko ito hinila."MANG ALBERT, ATE ROXAN!" sigaw ko ng nasa dalampasigan na kami.
Di ko kasi siya kayang buhatin. Masyado siyang mabigat.
"Juskong Bata ka, sino yan?" gulat natanong ni Ate Roxan. Isa siya sa mga katulong dito sa aking rest house.
"Bat andami niyang pasa at sugat?" tanong ni manong Albert.
"Di ko rin po alam manong. Tulongan na lang po natin siya , mahina na rin ang pulsohan at tibok ng puso nya." nag aalalang wika ko.
Agad din namang binuhat ni Manong Albert yung katawan ng babae. Tinawagan ko din yung private doctor ko.
Lumipas ang isang taon at nagising din ito dahil na coma ito.
"Hi ate, ako nga pala si Ly. Ikaw po?" tanong ko.
"I'm Rhiana." nakangiting sagot niya.
"Thanks for saving my life." pasasalamat niya.
Tumango lamang ako sa kaniya. Hanggang sa dito ko na siya pinatira sa rest house
~End of Flash back~
YOU ARE READING
The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)
Teen FictionStory of Zeus and Devilishly May.💕 Date started: October 20, 2020 Date ended: January 21, 2021