CALYX's P.O.VHabang sumusunod kami sa kotse ni Bansa na sumusunod rin kay King Zeus ay napataas na lamang ang isang kilay ko. Di naman kasi sinabi ni Devileon kung saan ba sa laguna yung rest house ni Bata, eh!
Kingina!
Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lamang huminto ang kotse ni Bansa kaya huminto din ako.
Kaagad kong kinuha ang phone ko para tawagan siya.
"Bakit tayo huminto?" agad na tanong ko nang sinagot niya ito.
"(Huminto si King eh.)" sagot niya mula sa kabilang linya.
"Wag ka ngang ngumuso." wika ko dahil alam kong nakanguso na naman ito ngayon.
"(Ewan ko sayo, di tayo bati.)" paasik na wika niya sa kabilang linya kaya napailing naman ako at pinatayan niya naman ako.
Bastos na bansa!
"Bat siya bumalik?" takang bulong ko nang makita kong dumaan sa gilid ng kotse ko ang kotse ni King.
"Siguro na realize niyang di niya rin alam kung saan 'yon."
naibulong ko na lamang at sumunod din sa kaniya.DEVILISHLY MAY's P.O.V
"Ate Rhiana parang may tao sa baba?" takang wika ko marahil may naririnig akong yabag ng mga paa.
"Baka guni-guni mo lang "yan, remember umuwi na sina Roxane at yung ibang katulong habang si Manong Albert naman ay may pinuntahan." sagot niya.
"Okay." hindi kumbinsido na sagot ko.
"Teka! Bababa mo na ako, nauuhaw kasi ako, eh." wika ni Ate Rhiana at tumango naman ako.
Lumabas siya ng kwarto habang ako ay nakaupo lang dito sa kama nag c-cellphone.
At saka nga pala bukas pa ako ng umaga aalis dito kaya dito muna ako matutulog katabi si Ate Rhiana.
*Blag*
Rinig kung kalabog sa ibaba.
Tumayo naman ako at lumapit sa pinto saka binuksan ito.
"Ate Rhiana!" tawag ko saka enopen yung flash light ng aking phone.
Nang nasa hagdan na ako pababa ay bigla na lang bumilis yung tibok ng aking puso.
TONGONO! Sino naman kasi yung pumatay sa lahat ng ilaw?
"A-aray." mahinang daing ko nang may na-apakan akong basag na vase or what kaya na sugatan yung paa ko dahil wala rin akong sout na tsinilas.
"Ate!"
"Hmmmmpppp..." rinig ko.
Napa-tingin naman ako sa gilid ko dahil doon ng galing yung narinig ko.
"Ate Rhiana." mahinang tawag ko dahil sa kabang naramdaman ko.
"At--------Ouch!" *blag* daing ko at bigla na lang akong napa tilapon sa sahig dahil may biglang humampas sa aking ulo.
Sinubukan ko namang abutin ang phone ko dahil tumalsik ito ngunit may humampas pa ulit sa ulo ko kaya tuluyan ng nanlabo ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.
ROXANE's P.O.V
"Ma!" tawag ko kay mama.
"Oh bakit, Roxane?" tanong ni mama na kaka-labas lang galing sa kwarto niya.
"Aalis na po ako, pupunta na ako sa pinagta-trabaho-an ko." pag papa-alam ko.
"Oh siya sige mag ingat ka." wika ni mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/297554101-288-k730560.jpg)
YOU ARE READING
The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)
Teen FictionStory of Zeus and Devilishly May.💕 Date started: October 20, 2020 Date ended: January 21, 2021