Chapter 13

757 25 0
                                    


DEVILISHLY MAY's P.O.V

Isang buwan na ang lumipas simula nong nangyari yung sa rest house. At isang linggo na din yung lumipas simula nong tumawag sakin si Ate Rhianna na humihingi ng tulong. Ngunit di pa rin namin siya nakikita.

Sa mga araw na nagdaan naging maayos na din ako. Wala na yung mga pasa at sugat. Nabalitaan ko rin kahapon na dineklara ni Tita Cristena na walang pasok ng isang buwan.

Wala sina mom, dad, twin bro at Kuya Drugo dito sa mansion. Nasa company ko kasi si mom  habang si dad, twin bro at Kuya Drugo ay patuloy parin na hinahanap si Ate Rhianna.

Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto ng aking kwarto saka sumilip kung may tao bang nag babantay.

Nang makita ko yung butler ni mom ay kaagad kong sinara  ang pinto.

Naglakad ako patungo  sa veranda ng aking kwarto  at sumilip sa ibaba.

Napa-nguso na lamang ako dahil maraming naka-bantay sa ibaba. Inutos kasi ni dad at mom sa mga tauhan nila na huwag akong palabasin sa aking kwarto.

Naiinip na rin ako dito. Gusto ko ding hanapin si Ate Rhianna. Gusto kong tumulong pero di nila ako pinapayagan.

Agad ko namang hinanap ang phone ko para tawagan si mom.

Naka-ilang ulit na akong tawag kay mom  ngunit di niya ito sina-sagot. Ganon din kay Dad, twin bro at Kuya Drugo.

"Hayst! paano na 'to?" tanong ko sa aking sarili.

10am pa lang naman ngayon.

"Hmm... si tanda kaya?" tanong ko sa aking sarili saka hinanap sa contact list ko yung number niya.

"Yon oh." wika ko  saka ito tinawagan.

Napa-irap naman ako dahil naka off yata yung phone niya  dahil hindi ma-tawagan.

Napa-buntong  hininga naman ako saka lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Where are you going, young lady?" bahagyang napatalon pa ako ng may nag salita sa gilid ko.

TONGONO! nakalimutan kung nandito pala yung butler ni mom.

"Wag ka ngang mang-gulat." medyo inis  na wika ko saka ito inirapan at nag lakad papunta sa dining room.

Ano bang gagawin ko  upang makatakas sa kanila?

"Young lady , ipinag-babawal  ng mga magulang mo na bawal kang lumabas." wika ng butler  ni mom  nang akmang lalabas ako ng bahay.

Nag bago kasi yung isip ko at sa garden na lamang pupunta.

"Kahit sa garden, bawal?" takang tanong ko.

Garden lang naman auh!

"Yon kasi ang sabi." wika nong butler ni dad na nasa gilid ng front door.

"Di ako tatakas!" inis na wika ko saka nag papadyak na nag lakad papunta sa garden.

Paano ba 'to?! Mas mahihirapan akong makatakas nito eh!
Sunod ng sunod kasi yung butler ni mom at dad.

"Pwede bang wag niyo akong sundan?" pigil inis na wika ko sa kanilang dalawa.

Di sila sumagot kaya nag patuloy na lang ako sa kaka-libot dito sa garden  habang ina-amoy yung ibang bulaklak.

Anong gagawin ko?

Gusto ko ding tumulong para  mag hanap kay ate Rhianna eh!

Paano ba kasi matatakasan ang mga ito?

Sunod ng sunod tas may mga bantay pa sa bawat paligid ng mansion.

Grrrr! ka-irita, nakakainis sila! Sarap nilang ipang-untog sa pader!

TONGONO!

Nag alala  rin ako para Kay Ate Rhianna. Sana nga mali yung nasa isip kong wala na ito dahil sa narinig kong tunog ng mga baril  nong tumawag ito sa'akin.

***

Panibagong araw na naman at kakaalis lang din nila mom, dad at twin bro dahil si kuya Drugo ay hindi pa umuwi simula kagabi.

"Butler Vhanz." tawag ko sa butler ni dad.

"Bakit po, young  lady?" tanong nito sa akin.

"Kaninong van yung nasa daan?" tanong ko sa kaniya.

Dahil sa pag kakaalam ko ay bawal mag park ng sasakyan sa daan pag hindi ka rito nakatira sa subdivision.

"Kanina pa din namin minamanmanan yan eh. Masama kasi ang kutob ko sa sasakyan na iyan." sagot niya kaya napatango na lamang ako.

"Sige pasok na ako." wika ko at tumango naman siya kaya tumalikod na ako at pumasok sa aking kwarto.

Lumapit naman ako sa veranda at sinilip iyon.

Ilang minuto lamang ay nakita kung bumukas yung bintana ng van. Hindi naman kasi masyado malayo yung pinarkingan nila kaya kitang kita ko yung isang lalaki na nag mamasid.

Napangisi naman ako saka nag bihis at sinuot yung fake hair at eye glass ko.

Alam ko kasing sila yung may pakana noong nangyari sa amin.

Ang kailangan ko lang na gawin ay makalabas dito sa mansion at hahayaan silang kunin ako para dalhin nila ako kay Ate Rhianna.

Matapos kong mag ayos ay kinuha ko yung isang hoodie jacket ko at sinuot.

"Papunta na ako Ate Rhiann." nakangiting bulong ko habang nakatitig  sa reflection ko sa salamin.

Lumabas naman ako sa aking kwarto. "Sa garden lang ako." wika ko sa butler ni dad nang mapatingin ito sa akin.

Tumango naman ito   kaya ngumiti muna ako sa kaniya bago nag lakad papunta sa garden. Habang nag lalakad ako papunta sa garden ay nakatingin sa akin ang mga tauhan ni dad.

Sina ulo ko naman kung saang bahagi ng mansion ang may CCTV at mga tauhan ni dad.

Nang makalabas ako sa mansion ay mas marami pa akong nakitang tauhan ni dad kaya napairap ako ng palihim.

***

Tatlong oras ang lumipad at dahil sa dami ng bantay ay hindi ko magawa-gawa ang aking pina-plano.

Kaya naman bumalik ako sa aking kwarto upang mag isip ulit. Sumilip ulit ako sa veranda at dalawang van na ang aking nakikita.

Hihintayin ko na lamang na gumabi  upang hindi ako makita ng mga tauhan ni dad pag ako'y lalabas.

***

7pm na ngayon at nandoon parin yung dalawang van.

Dumating na din sina mom, dad at twin bro, ngunit si kuya Drugo ay hindi pa din umuuwi. Saka tapos na rin kaming kumain.

Ilang minuto pa ang lumipas at muli akong lumapit sa veranda upang doon dumaan pababa dahil nasa pangalawang palapag ng aming bahay ang aking kwarto.

Luminga-linga pa ako at ng masigurado kong walang bantay ay mabilis akong tumakbo papunta sa isang bulaklak at yumuko upang makatago.

Mas yumuko pa ako ng makita ko ang isang tauhan ni dad na dumaan.

Nang malayo na ito ay saka ako tumayo at tumakbo papunta sa gate at umakyat saka tumalon.

Luminga-linga pa muna ako. Napangisi naman ako ng may dalawang lalaki ang bumaba galing sa van.

Naka-mask pa ang mga ito kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha.

Akmang lalayo ako sa kanila ng hinabol ako nito saka may pinaamoy sa akin ang mga ito kaya nanlabo agad ang paningin ko.

Sana nga tama itong ginawa ko.

END EVERYTHING WENT BLACK

The Youngest Teacher of Heaven Academy (COMPLETED✅)Where stories live. Discover now