"Kim!"
"Ano ba Kim! Gumising ka na nga tanghali na ha di kapa rin gumigising!"
Fuck shit! Mura ko sa aking isipan habang nakatakip ang unan sa aking uluhan para hindi ko marinig ang maingay na boses na galing sa labas. Malas talaga na buhay. Tulog na nga lang ang pinapangarap mo na makuha ng kompleto halos pagkaitan kapa.
Kulang pa ang aking tulog. As in kulang na kulang. I am working in a BPO or mas kilala ng mga tao na Call Center. Kaya sa gabi ang trabaho ko at sa buong araw naman ako dapat tulog.
Maswerte ako dahil sa isang sikat na company ako nakapagtrabaho. Nakapagtapos naman kasi ako. IT ang aking natapos after ilang years ko na pag-aaral. Sa dami ng pinagtrabahuan ko ang ending mas pinili ko ang magwork sa BPO muna. Mas malaki ang sahod at maganda ang mga benefits.
Well compensated nga kami. Pero kahit gaano pa kalaki ang sahod ko, kulang pa rin dahil ako ang tumatayong bread winner sa pamilya ko.
"Hoy Kim! Bangon na!" sigaw ng nakababatang kapatid ko na si Myla.
"Ano ba?! Inaantok pa ako eh. Pwede bang matulog ng matagal?" galit kung sagot sa kaniya.
"Bahala ka, mauubosan ka ng ulam." Babala niya sa akin.
Napabangon ako bigla. Ganito sa amin parati. Sa dami namin kaya ubusan ng pagkain kung magpapahuli ka pa.
"Oh? Akala ko ayaw gumising? Kakainin ko pa naman sana ang ulam." Ngising nakakaloko ang sinalubong sa akin ng aking Tito. Inirapan ko naman ito.
"Nagugutom ako. Mas importante ang gutom kaysa sa tulog," sagot ko rito.
"Kaya ka pinagpapalit ng boypren mo na mayabang kasi ang takaw mo Kim. Magdiet kana kaya. Amin na lang yang pagkain mo."At niloko pa talaga ako nito.
"Bahala siya. Food is life! Marami pang lalaki sa mundo." Pinaalala pa talaga nila sa akin. Ayaw ko na sanang maalala ang mokong na yon.
Kahit maingay at magulo kami sa hapag kainan. Masasabi ko na naman na masaya kami. Normal na lang sa amin ang bangayan. Kahit minsan napapagod na ako sa buhay, tuloy pa rin ang laban.
***
"Kimmy! May problema daw sa isang account na hawak mo? Okay na?" I saw some concern on his face. It was Jet, my gay colleague and friend sa loob ng company.
"Okay na yot." Sabi ko na lang sa kaniya at ngumiti ako ng tipid. Alam ko may problema sa account na 'yon bago pinasa sa akin. Alam ko rin na may isang tao sa loob ng company namin na gusto akong matanggal sa trabaho. Ang nagagawa ng inggit nga naman. Parang gusto ko na ngang unahan at mag resign na lang. Marami pa naman pwedeng mapagtrabahuan na company.
Gusto kung umuwi ng maaga pero parang hindi ata ako makakatulog ngayon dahil sa nangyari. Napabuntunghininga na lang ako. Life is so unfair. I've been doing my best. Striving so hard to survive. Ngunit parang wala pa rin. Malas ba talaga ako sa buhay? Gusto ko lang naman matulungan ang pamilya ko.
Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Makati Avenue hindi ko maiwasan mapatingin sa nagtataasang building. Kasama na ang mnga naggagandahang condominium. Minsan na akong nangarap na makapag asawa na lang ng foreigner para naman makatira ako sa isang penthouse or kahit simpleng condo manlang.
Ngunit bigo ako. Napunta tuloy ako sa mayabang kung ex. Kundi lang niya ako dati tinutulungan hindi talaga kami magtatagal ng gano'n. Akalain mo umabot din kami ng ilang taon.
Habang patawid ako sa may pedestrian lane bigla naman akong nagulat ng may bumusina sa akin. Halos mapasigaw pa ako sa gulat, napigilan ko lang. Aba aba! Siya pa ang may gana na bumusina na nasa tamang lane kaya ako. Kaya pumihit ako paharap at tatalakan ko na sana ito ng biglang mabitin sa ere ang dapat ko sanang sasabihin.
YOU ARE READING
My Sugar Baby
RomanceDragon Boyz Series #4 Kai Seven Chu Mature Content|R-18|SPG When you feel that the whole world is against you. Minsan ayaw mo ng mabuhay at magpatuloy. Siya si Kimberly Marie Nuñez. Palaban at madiskarte. Ngunit kahit anong gawin niya dumarating ta...