Chapter 07

374 13 4
                                    

Marina Bay Sands, Singapore

Who says some dreams don't come true?

Sa akin? Naging totoo.  Kita naman. Nandito na ako. Oh My God! Pwede na ba akong tumili? Umalis na saglit si Mr. Chu. Kakahiya naman kung kanina ako nagtitili.

Ang yaman niya. Bumabaha na siguro ang kaniyang pera at wala ng paglagyan. Two days lang dito, magkano kaya binayad niya?mmmh....

Nasa isang chairman suite lang naman kami naka check it. Yung tipong dalawa lang kami pero ang unit namin parang bahay. May limang kwarto. May dalawang living room. May tig-iisang bathroom bawat kwarto na may jacuzzi pa. Our location is facing the city kaya ang ganda tingnan ng gabi dahil sa City lights.

Nasa may living room ako at nakaharap sa City lights. Sarap talaga maging mayaman. But part of me ay hindi masaya. Naalala ko ang aking pamilya. Sana maiparanas ko sa kanila ang tulad nito. Napabuntong hininga nalang ako. Para naman sa kanila ang aking ginagawa. Kasi kung ako lang. Okay na ako na maging isang empleyado. Ayaw ko naman ng ganito. Wala rin pinagkaiba sa pokpok. Pinasosyal lang ang tawag at dating.

Narinig ko na bumukas ang pintuan. Si Mr. Chu. Nararamdaman ko rin ang bawat yabag niya na papalapit. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga braso niya na yumakap sa akin. He rested his chin on my shoulder.

"Do you like it here?" mahinang sabi niya.

"Yes, sobra.... Thank you." Hinawakan ko ang kaniyang mukha at magaan na hinaplos haplos.

"mmmmh.... Anything for you..."

Sarap pakinggan sana kung magjowa lang kami. Masasabi ko talaga na the best siya. Kaso trabaho lang. Ganito siguro siya kagalante sa mga nagiging sugar baby niya. Kinakabahan tuloy ako sa mangyayari mamaya. Baka hindi na ako makabangon. Mga nangyari kasi sa amin mga madalian lang kasi busy siya. Isa sa napansin ko sa kaniya ay napaka busy niya na tao. Kaya ayaw kung maging mayaman baka wala na akong time sa aking sarili. Ayaw ko rin mag-asawa ng mayaman baka maging trophy wife lang ako. Sa sobrang busy baka walang time sa akin.

"Are you hungry? Food will be serve anytime now."

"Hindi pa naman." Sabay ng pagsabi ko ay nag-alburuto ang aking tiyan. Nahihiyang napalingon ako sa kaniya. I pouted dahil sa hiya.

Bigla naman itong humalakhak. At humiwalay sa akin. Gosh! Cute niyang tingnan. Nawawala ang kaniyang mata dahil sa pagtawa. First time ko siyang makita na tumawa ng bongga. Nawala tuloy ang hiya ko at nakitawa na rin sa kaniya. Kung ito lang naman ang magpapatawa sa kaniya. Willing akung maging katawatawa palagi.

"Gutom na pala ako." I can't help but smile shyly.

Sakto naman na dumating ang aming pagkain. May mga staff ng hotel ang nagset up sa table. Sosyal. Kahit sa BPO company ako nagtatrabaho at may mga formal gatherings kami hindi pa rin maikokompara rito. Ngayon ko lang nakita ang  mga gano'ng klaseng pagkain na iseserve nila. Kakaiba ang mga ito. Pang yayamanin talaga.

"Come here. Let's eat." Nakangising nitong sabi. I know he is teasing me. Kaya inirapan ko siya. Napailing na lang ito.

Nakita ko ang set up ng table. Naka formal set up ito. From my left side napkin, salad & dinner fork. Sa harap ko ang dinner & saucer plate. Sa taas ng plate may dessert spoon & cake fork. Sa left nito may bread plate & bread knife at katabi ang place card. Sa right ko naman ay ang dinner knife, teaspoon & soup spoon. Katabi ay cup & saucer. With three different glasses pa; water glass & two wine glass for white & red wine. Habang nakatingin ako sa harapan ko parang nawala ang aking gutom at sumakit ang aking ulo. Parang ipinamukha sa akin na dukha talaga ako.

My Sugar BabyWhere stories live. Discover now