Nagising ako dahil masakit sa may bandang puson ko. Ihing-ihi na pala ako. Napansin ko rin na mag-isa na lang ako sa kwarto. Pilit kung inalala ang mga nangyari kagabi.Nang mapagtanto ko ang mga nangyari biglang nanlaki ang aking mata at napatingin sa aking sariling katawan. Wala akong suot na kahit ano. Isang makapal na comforter lang ang nakatakip sa akin. Wala ring Mr. Chu sa buong silid. Oh my God! Ano na naman kaya ang ginawa ko kagabi. Hindi rin ako sanay uminom. Konting alak lang natatamaan agad ako.
Pilit akong tumayo at ng makapunta na nga ng banyo. Sa pagtayo ko bigla na lang nanginig ang aking mga tuhod at nakaramdam ako ng sakit sa aking pagitan. Shit! Nasobranan siguro kami kagabi. Naalala ko na lang bigla lahat. Halos mag-uumaga na ako tinantanan ni Mr. Chu. Hindi nga niya ako inaraaw-araw kaso halos ayaw naman niya akong patulugin kagabi.
At mas lalo lang naging pangit ang aking pakiramdam dahil sa hapdi na aking naramdaman sa pagitan ng aking mga hita. Shocks! Para akong narape talaga. Pag ganito si Mr. Chu parati ay nako malulusyang ako agad. Gamit na gamit.
Nag-ayos na rin ako ng aking sarili. Pinilit ko na lang maligo kahit na wala akong damit na bago na pwedeng masuot.
Pagkalabas ko ng banyo hinanap ko ang aking damit kaso hindi ko mahanap. May nakita akong isang paper bag na may laman na damit. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang puting blouse at denim pants. Base sa sukat ng damit ay para talaga ito sa akin.
Paglabas ko ng kwarto may nakaready na pagkain sa mesa. Napaka tahimik. Umupo ako at napabuntunghininga. Sadness filled my heart. Ganito pala maging mayaman. Nasa isang mamahalin ka nga na hotel pero nakakalungkot naman. Pagka-gising mo mag-isa ka na lang. Kakain na mag-isa. Namiss ko tuloy sa bahay naman. Kahit walang pera pero napaka saya. Sa dami ba naman namin na kumakain.
Tinapos ko agad ang aking kinakain dahil nawalan ako ng gana. Naligo at nag-ayos na rin ako ng aking sarili. Mabuti naman at may iniwan na paper bag sa sofa. Alam ko na damit ang laman. Nakapa conservative naman na damit ang nasa loob ng paper bag. Cotton blouse at ripped denim pants talaga. Buti naman at may bago na shoes. Ganda ng shoes. Bet ko kasi sneakers. Nakita ko lang 'to sa mga artista na sinusuot. Yung mukhang madumi ang design pero alam mo mamahalin, GGDB. First time ko makapagsuot nito.
Saan kaya ako pupunta ngayon? Ang alam 2 days lang ako magstay dito sa Marina Bay. Hindi ko rin alam nasaan si Mr. Chu kasi wala manlang note na iniwan kung nasaan siyang lupalop ng SG ngayon. Sabagay, sino ba naman ako para pagsabihan. For sure may meeting na naman. At sure ako na ayoko magstay sa suit na ito buong araw at maghintay. Kailangan kung lumabas at ituloy ang aking SG adventure. Wala akong pakialam kung mag-isa lang ako.
Tatayo na sana ako ng makarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Si Mr. Chu siguro. Inayos ko muna ang aking sarili at saka tumayo. Naka ready na ang aking smile. Ngunit iba ang nakita ko na pumasok. Walang iba kundi ang kaniyang friend/body guard/Assistant.
"Hey, you're awake. It seems that you are about to go out?"
Ang pogi din ng isang 'to. Halatang mayaman din at edukado. Chinito rin, kaya bet.
"Yes. I will proceed with my itenary. I will just stroll and visit some good spots."
"Sure, I'll call a private car to tour you around. I'm sorry I can't accompany you the whole day. I have some meetings to attend at noon and in the afternoon."
"mmm... By the way. Kai forgot to leave a note. Something very important came up. He flew back to China early this morning. He will contact you later. I hope you don't mind? You can stay here until he comes back. And feel free to ask anything you need from the staff."
"Oh... Thanks. That would be nice. But, can I go alone? I want to use the tram and the train. I even want to try the double decker bus. It's in my list."
YOU ARE READING
My Sugar Baby
RomanceDragon Boyz Series #4 Kai Seven Chu Mature Content|R-18|SPG When you feel that the whole world is against you. Minsan ayaw mo ng mabuhay at magpatuloy. Siya si Kimberly Marie Nuñez. Palaban at madiskarte. Ngunit kahit anong gawin niya dumarating ta...