Chapter 03

205 6 1
                                    

Everyday, going to the gym became my routine. Religious diet became my habit. Hindi ko namalayan na natapos na ang one week.

Natapos ko rin ang mga naemail na trabaho sa akin galing Z-tech. Ayaw ko kasi na may maiwan ako na work lalo na at aalis ako for about a week.

Ang laki ng binawas sa timbang ko. Halos 6kg in one week. Ikaw ba naman na veges salad and cereal lang kinain sa buong linggo. Minsan sinasamahan ko ng mga dried fruits. Pero effective yong tea. Grabe ang popo ko everyday.

Parang feeling ko tuloy ngayon kasalanan ang kumain ng carbo loaded foods at mga sweets like my favorite na ice cream and chocolate.

Ang hirap pag katawan ang kailangan na puhunan. Pwede kayang utak at talent na lang? Mayroon din naman ako no'n. Kaso mas mabilis at malaki ang pera agad pag katawan.

Kaya tiis lang Kim. Makakaraos ka rin! Tiwala lang. Sermon ko sa aking sarili.

Nang okay na ang aking timbang. Bumalik ako sa Seeking.com kay Czarina. Para magreport at para bigyan din ako ng proper instruction sa next step ko na gagawin.

"Oh my god! You look absolutely stunning dear. Sabi ko na eh. Bawas timbang lang ang gagawin and everything is perfect."

Gulat at saya ang nakikita ko sa kaniyang mukha. May halong excitement na rin. Siguro malaking achievement sa kaniya na naging ganito ang aking hitsura in just a matter of one week.

"May mga damit na ipapadala sa condo mo at isang suitcase. Yun ang nga susuutin mo for a week na kasama mo ang client. Bukas ng gabi ang flight niyo patungong Singapore para sa isang business conference niya. Ipapasundo ka sa condo. Sa private plane mo na siya makikilala. So good luck? I hope it went well. I trust you Kimberly."

"Sa Singapore lang po ba kami pupunta the whole week Miss Czarina?"

Nacurious lang naman ako kaya kinailangan kung tanungin. Para naman ready ako sa mga mangyayari.

"Hindi ko actually alam. Basta ang sinabi ng client namin papuntang Singapore. He is a Chinese businessman. Be good. Kasi he is one of our loyal customer at magaling magdala ng babae. Ayaw na ayaw lang niya na naiinlove sa kaniya ang isang sugar baby kaya nagpapalit siya parati. Matagal na noong last na kumuha siya. Basta remember the magic work. Don't fall inlove. Just enjoy the moment"

"Okay, well taken Miss Czarina." Tipid ko itong nginitian.

Kinakabahan kasi ako na excited. Ewan ko, halo halo ang mga emosyon na bigla ko lang naramdaman.

Nang umuwi ako ng condo nakita ko nga ang bagong na suit case na mamahalin ang brand, at katabi nito ay mga paper bags ng mga branded na damit, bags and shoes. Inisa isa ko itong buksan.

Galing naman ni Miss Czarina pumili ng mga damit. Kuha niya ang mga gusto ko. Mahilig din naman ako magdamit at mag ayos ng aking sarili kaso hindi ganito kamamahal na mga damit ang aking afford. Pang ukay-ukay lang ang beauty natin.

Inayos ko lahat ng mga gamit at ni-ready na ang aking susuutin para bukas. Para wala na akong iisipin. Magrerelax na lang ako at maghihintay sa client.

Natulog ako ng maaga at kinaumagahan nagtungo pa ako sa gym. Umaasa ako na makikita ko ulit yung pogi na lalaki nakita ko kahapon. Ni anino wala akong nakita kaya ang tamlay ko na umuwi ng bahay at nag-ayos dahil pagpatak ng 2pm may susundo na sa akin para pumunta na ng airport.

Saktong 2pm may kumatok sa unit. Yung sundo ko na pala. Inayos ko ang aking suot. Naka fitted crop top na black paired with black trouser at pinatungan ko ng cardigan na mahaba. Naka white sneakers lang ako. Ang alam ko mainit sa Singapore at mabilis lang naman ang flight. Isang maliit na suit case at tote bag na katamtaman ang laki ang aking mga dala.

My Sugar BabyWhere stories live. Discover now