Chapter 04

232 6 4
                                    


Singapore....

Dati pa pangarap ko na ang makapag travel. At isa ang bansang ito ang gusto kung mapuntahan. Kahit pa ang sabi nila na ito ay one of the most expensive travel na mararanasan mo. Dahil mahal daw pero worth it.

Sa isip ko naman ay okay lang. Pag-iipunan ko yan. Matupad lamang.

Kaya naman sobrang saya ko na kahit hindi ko pa napag-iipunan ay nakarating na ako sa isa sa mga bansa na nasa bucketlist ko.

Actually may ginawa na akong itineray. Hindi naman halata na prepared tayo anoh? Ginawa ko lang naman ang mga ito during may free time. Nag-isip ako ng mga pupuntahan. Kaya naman grabe talaga ang excitement sa puso ko ngayon. Hindi maipagkakaila. Kitang kita sa aking mga mata at very transparent sa aking mukha.

"You're really that happy?"

Nagulat ako sa tanong ni Mr. Chu sa akin. Masyado ba akong halata? Well, excited lang kaya super happy.

"Yah, I wanted to visit Singapore so bad. It's in my bucketlist."

Mas lalo pang lumapad ang aking ngiti. Yung feeling na naiihi ka sa saya at sobrang excitement.

"You want to explore the whole country?" Seryosong tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya.

"Okay. We will do it tomorrow. But for today you need to rest. I'll be out to attend some business matters. Just wait for me before dinner." Paliwanag nito.

Nakasakay kami sa isang magarang sasakyan. A black Bugatti Spartacus SUV. Papunta kami sa hindi ko alam. Akala ko maghohotel kami pero parang hindi.

Pumasok kami sa isang malaking gate at sa loob ng gate ay parang isang subdivision na may mga two storey na bahay. May nakalagay sa karatula na Sentosa Cove.

The word Sentosa. Familiar! Yung Island na gagamit ng cable car kung pupunta ka. So ang lapit ko na pala dito. Hindi ako mapakali sa aking inuupuan. Napatingin tuloy si Mr. Chu sa akin.

"Are you okay?"

Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nahiya tuloy ako. Gusto ko sana magtanong pero nahihiya talaga ako.

"I'm okay. Naiihi lang. I mean naiihi na naman." Pagsisinungaling ko.

"We're almost near. Can you hold it for a while?"

"Yes, yes! I can. Don't worry."

"Drive fast, Chico! Kimberly needs to go to the bathroom."

Narinig kung utos niya sa kaniyang driver. So Chico pala ang name ng bata niyang driver. Chinito rin ito. Bagay ang pangalan niya na Chico. Prutas lang yarn.

"Yes, boss!"

Nakarating naman kami agad. Sa bahay niya. Tumambad sa aking paningin ang isang two storey bungalow na modern ang architectural design. It's a combination of black, grey and white motiff. Napatunganga talaga ako sa ganda.

Very high tech. Ang gate kusang bumubukas at may nagsasalita. May malawak na parking na kasya ang anim na sasakyan. May nakaparada pa na apat na mga mamahalin na mga sports car. Sumisigaw sa yaman ang bahay na'to. Unfair talaga ng mundo.

Mr. Chu guided me to go inside the house. Nakapa gentleman niya talaga. Hinawakan lang naman niya ang kamay ko hanggang sa pagpasok namin. Bet na bet ko ang trait niya na'to. Pagkapasok namin sa loob sumalubong sa amin ang mga fur babies niya. Halata naman na sa kaniya. Nag-unahan pa ang mga ito na lumapit. Naglandi agad agad sa amo.

"Oh, that's so sweet. How are you Missy? miss you baby."

"How about you two. Sampy and Sunny?"

"And you cutie Kimmy?"

My Sugar BabyWhere stories live. Discover now