Chapter 5

210 7 1
                                    

Nagising ako sa init ng sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Bigla akong nagmulat at napabalikwas ng bangon. Shocks! Nakatulog ba ako?

Then suddenly I heard a groan from someone. OMG! I hit someone! Natamaan ko lang naman ang katabi ko na natutulog ng bigla akong bumangon. Aba, malay ko ba na may katabi ako. Ang alam ko last night bago ako matulog mag-isa lang ako.

Yes, after ng incident sa Vivo City kung saan sinundo ako ni Mr. Chu at pinauwi ay nagmukmok lang naman ako rito sa taas na kwarto at nagbasa ng kung ano anu para lang may mapaglibangan. Hanggang sa di ko na namalayan ay nakatulog na ako.

Ako pa naman ang natutulog na tulog mantika. Alam niyo ba yon? Yung kahit anong alog at tawag hindi magigising, unless sapukin o di kaya'y mahulog.

Kaya ngayon lang ako nagising dahil sa init ng sikat ng araw. Mantika nga. Nalusaw na ako sa init. Sorry naman sa katabi ko. Hindi ako informed na tatabi siya. Akala ko busy siya sa kung ano man na mga pinaggagagawa niya.

"I'm sorry Mr. Chu! Hindi ko alam na katabi kita.huhu..."

"Yah right. Paano mo malalaman ayaw mong gumising since last night. You sleep like a log. And  damn! You hit me like a bull."

Hinimas nito ang parte ng katawan na natamaan ko sa pagbangon. Minus talaga. Hindi na nga ako napakinabangan last night dahil natulog ako. Ito at nasaktan ko pa siya.

"Sorry again. May masakit pa ba sayo? Pasensya at nakatulog ako kakahintay kagabi. At gano'n talaga ako matulog. I'm a deep sleeper."

Paliwanag ko sa kaniya. Hindi ko tuloy siya matingnan sa mata. Kakahiya naman kasi mga pinag-gagagawa ko. Umatake na naman kasi pagiging clumsy ko.

"It's okay. It's my fault anyway. Nabusy ako. Akala ko matatapos agad yung meeting. When I checked on you tulog kana. Feeling better now?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko at tinaas bahagya para makatingin ako sa kaniya.

"Look at me Kimberly."

Umiling ako. Ayaw ko talagang tumingin sa kaniya. At lalo na magsalita. Hindi pa ako nagto-toothbrush. Bakit siya ang bango ng hininga niya? Pati pala mayaman iba ang amoy ng hininga.

Dali dali akong tumalikod at tumakbo patungong banyo. Nakahinga lang ako ng nasa loob na ako. Naghilamos at nag-toothbrush muna ako. Inayos ko ang aking sarili habang nakatingin sa salamin. So far okay naman ang aking hitsura. Toothbrush lang talaga ang kulang.

Akala ko paglabas ko ng banyo wala na siya. Mas nagulat ako dahil nakaupo siya sa dulo ng kama at nakatingin sa pintuan ng banyo. Kaya naman kitang-kita talaga ang paglabas ko.

Sobrang seryoso niya na nakatingin. Hindi inaalis ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong na conscious. Nanghina bigla ang mga tuhod ko habang dahan dahan ang mga hakbang na lumalapit papunta sa kaniya. Unti-unti rin na bumibilis ang tibok ng aking puso.

Hanggang sa nasa harapan na niya ako. Nakaupo pa rin siya at ngayon at nakatingala na sa akin. Ako naman ay nakatungo sa kaniya habang ang aming mga mata ay nakatitig sa isa't isa.

Honestly. I don't know what to do. I'm not expecting this kind of scenario. Something sensual will happen. Erotic aroma is in the air. Tama naman din ang suot ko. I'm wearing a set of black lace lingerie. Kaya pala kung makatitig wagas. Nawala sa isip ko na nagready pala ako kagabi. Akala ko kasi kagabi ang  ganap. Ngayon pala. Hahabol pala ang isang 'to.

The next thing I know he is caressing my legs. Up and down. Lightly and slowly. Halos magtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Bigla rin akong nanghina sa bawal paghaplos niya. We never break our eye contact. As he continue what he is doing.

My Sugar BabyWhere stories live. Discover now