Chapter 01

273 6 0
                                    

                                      ***

"I hope you'll think about our offer Miss Nuñez. There are a lot of applicant who wants to work with us and to be chosen by us. You are lucky at napili ka ng boss namin. But given your answer. What made you hesitant to accept the offer? Mind if you tell us?" Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka.

Gusto ko man sabihin sa kaniya pero nahihiya. Gusto ko munang mag isip ng maayos. Okay naman ang offer nila pero parang hindi ata kaya sa gastusin ni Clea. Hindi ko maiwasan balikan ang mga nangyari kahapon.

"Kailangan niyo ng pera para matapos ang cycle ng chemotherapy ni Clea. Pwede kayong humingi ng tulong sa PCSO. Ilang session na ng chemo din niya ang masasagot nila. After chemo here comes radiation therapy. Syempre sa maintenance niya na gamot. Pag okay na lahat mas magandaag ready din kayo for her bone marrow transplant. Nagsagawa kami ng test at isa si Clea ang naka line up to receive bone marrow transplant pero hindi naman gano'n kadali. Maghihintay muna tayo at sa ibang bansa gaganapin ang naturang operation." Naririnig namin ang mahabang paliwanag ng Doctor.

Parang pinipiga ang puso ko. Puno ng awa para sa pamangkin ko. At awa na rin para sa aking sarili. Kung naging mayaman lang sana kami. Wala sana kaming proproblemahin. Pero wala na akong magagawa. Ang dapat nalang ay maging malakas kami para makapag-isip ng magandang gagawin para kay Clea.

Umalis ako sa Zwift na mabigat ang aking loob. Napaka considerate nila para antayin pa na makapag isip ako. Samantala kung tutuusin kaya nilang maghanap ng iba. Kailangan ko talagang pag-isipan ng maigi.

Hanggang sa umuwi ako ng bahay 'yon pa rin ang nasa aking isipan. Nawalan din ako ng ganang kumain dahil sa nangyayari sa amin. Papayat na ako nito.

Ako nga pala si Kimberly Marie Nuñez. I'm  25 y.o. Dati akong call center agent pero ngayon jobless na. Kung experience lang ang pagbabasehan marami na akong naging trabaho. Dati akong working student. Nag-aaral sa araw at nagtatrabaho sa gabi. Model pag sabado.

Yes, dati akong sumasideline na model noong teenage years ko. Sobrang payat kasi ako noon. Dahil sa sobrang payat ko napagkakamalan ako na manika. Kaya nga ako nagka jowa ng ubod ng seloso. Siya lang ang naging jowa ko. Nagtiis ako para sa aking pamilya. Malaki rin kasi ang naitulong niya.

Marami pa ang aking pinasukan na sideline. Kaya nga 23 na noong naka graduate ako ng college. Hindi ako tunay na anak ng aking mga magulang. Iniwan lang daw ako sa gilid ng kalsada at nakita ako ni mama. Ayaw daw akong tanggapin ni papa. Dahil sa apat na ang anak nila at naghihirap na sa buhay, dumagdag pa ako.

Kaya ganon na lang ang galit minsan sa akin ni papa na hindi ko na lang pinapansin. Pag lasing kasi siya doon lumalabas lahat ng sama ng loob niya. Lumaki ako na mulat na sa katotohanan na ampon lang ako. Tulad nga ng sabi ko, sanay na ako. Nagtitiis na lang ako dahil kay mama. Mahal naman niya ako. Pati rin ng mga kapatid ko kahit na sa akin sila umaasa lahat. Mga tamad kasi. Ayaw magsipag- aral. Nagsi-asawa lahat ng maaga kaya naiwan akong nag-iisa na dalaga at umaako sa lahat ng responsibilidad.

Kung hindi lang ako tumatanaw sa utang na loob ko sa pamilyang ito. Matagal na siguro akong naglayas. Sila lang mayroon ako. Hindi ko alam ang aking pinagmulan. Wala akong matandaan. Hindi ko rin alam kung may naghahanap ba sa akin. Kung may tunay na pamilya pa ba ako. Minsan hinihiling ko na makita ko sila.

Naglalaro ako ng mobile legend ng biglang may pumasok sa kwarto. Ang kapatid ko na lalaki. Alam ko na. May kailangan ito sa akin. Sigurado ako pera na naman.

My Sugar BabyWhere stories live. Discover now