EPILOGUE

7.4K 608 84
                                    

—Xeirra's POV—

Mabilis akong umakyat sa kwarto , kahit na nanglalabo ang mga mata dahil sa mga luha ay patuloy padin ako sa pag akyat. Napasandig ako sa Likod ng pinto ng makapasok ako. Pilit iniintindi ang nangyari. 

Ako yun e.. ako dapat yun.. napayuko at napahilamos sa mukha. Nanginginig ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayun , Galit dahil wala man lang akong nagawa ng sabihin ni Jexter yun. Disappointed dahil naka plano na ako e, Alam ko na yung gagawin.. pero lahat ng yun ay kusang nag laho na parang Bula.

Ilang oras akong nakatulala ng mahagip ng mata ko ang maleta.  Pilit akong ngumiti , bumalik lahat ng ala ala ko kung pano ako nakapasok sa Trabahong to. Pakiramdam ko nga wala man lang akong nagawa.
Kahit na  nanginginig ang tuhod ay pilit akong tumayo.

Lumapit ako sa maleta at isa isang inayos ang mga gamit ko. There's no reason to stay.. wala na. Siguro hanggang dito nalang talaga ako.  inayos ko lahat ng gamit at inilagay sa maleta. Ng matapos ay napaupo ako sa kama. Nilibot ko ang tingin sa paligid .  Ma mi miss ko to. Hinanap ko ang Cellphone at tinawagan si ma'am Valdez.

"Xeirra? Napatawag ka? Maayos lang ba lahat diyan—"

"Ma'am Valdez I will end our Contract... "

Hindi ito nakapag salita

"Tawagan nalang po kita mamaya, kailangan ko na po kasing umalis eh"

Pilit kong Kinakalma ang sarili ko para Hindi niya marinig na umiiyak ako. Mabilis kong pinatay ang tawag at kinuha ang Maleta. Tawagan ko nalang si Xeilla, hindi na ako pweding manatili pa Rito. Nasa pinto na ako ng bigla akong napahinto at binalik ang tingin sa kabuohan ng Kwarto, lihim akong napangiti.

"I need to move on"

Pagkatapos nun ay tuluyan na akong lumabas. Napatingin naman ako sa kabilang kwarto. Kusa nalang humakbang ang paa ko patungo sa Kanyang kwarto , mabuti at hindi naka lock yun kaya nabuksan ko.

Unang bumungad sakin ang Kulay abong silid niya. Ayaw ko mang aminin ay alam kong mahihihirapan akong burahin ang alala niya sakin.  Napabuntong hininga ako bago lumabas.  Napailing ako at agad na kinuha ang Maleta.

Ng makababa Ay walang ingay akong narinig.  Na alala ko na naman ang ingay ng mga Tukmol. Tss how could I moved on kung ngayun palang ay lahat ng makita ko ay sila yung na alala ko?.

Ng tuluyan na akong makalabas sa mansion ay agad akong sumakay sa Taxi. Dimeretsyo ako sa Condo kong nasan si Xeilla, bumalik na siya kasi.

________________________________________________________________________________________________________________________

AFTER FIVE YEARS

Nung araw na yun ang Huling beses na nakita ko si Jexter, Huling araw kong san ko sila huling nakita. Dahil nung araw nayun ay nag Ibang bansa kami.

It's been 5 years simula ng nangyari ang lahat nang yun. Nawalan ako ng Connection sa pilipinas, at sinadya ko talaga yun. Si Ma'am Valdez naman ay pinutol ko na ang Connection namin.  At ang perang pinamasahe namin ng kapatid ko ay Galing Kay Karlhienz, it just an Accident na nag kasabay kami sa Airport.

Ngayun malaki ang pasasalamat ko sa kanya. I owe him a lot.

"Miss santiago?"

Napatingin ako sa Babaeng nakadungaw mula sa Pinto.

"Hinahanap po kayo ni Mr. mendelssohn.."

Mabilis akong tumango at inayos ang mga Ducument na nag kalat sa lamesa ko.

Ngayun ay tinutulungan ko si Karlhienz sa Company nila.. I'm his Secretary. Siya na ang Nag papatakbo ng Companya nila dahil masyado nang Busy ang Papa nito sa pagiging Doctor.

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon