tenth Shot

6.1K 309 8
                                    

II

Xeirra's POV—

Nagising ako ng may mahinang tumapik sa pisnge ko

"Hey witch, wake up di mo to bahay para matulog ka ng mahimbing"

Unti unti kong minulat yung mata ko, sino pa ba edi yung hayop na Jexter! medyo sumakit yung likod ko sa pag higa,

Umupo ako at hinawakan yung braso at marahan ko itong hinilot.

"Anong oras na ba?,"

"8:30 am ,  hanggang ngayun malakas padin yung ulan, di ata tumigil kagabi , stranded tayo dito."

Sabi ni jexter sabay hilot sa sintido nito.

"Eh, nasan sila ni aling marites?"

"Dun sila sa labas, pinapagising ka nila sakin dahil kakain na."

Masamang tingin ang pinukol nito sakin habang sinasabi ang mga katagang iyon,
Galit ata dahil ako yung babysitter tas sya pa gumising sakin, ayos ah! Parang bet ko yung iniisip ko.

"Sege susunod ako, mag bibihis lang ako"

Tumango nalang sya at naunang lumabas sakin. May mga damit na binigay si Ella sakin, buti nagkasya kaya may maisusuot ako, kay Jexter naman ay galing sa triplets.

Simpling t-shirt at short lang yung suot ko bago lumabas, at nadatnan ko silang nag uusap, pero di pa sila kumakain.

"Good morning sa lahat.."

Masaya kong bati,

"Oh! Dito na pala si ate Xeirra eh!! , Pwedi na tayong kumain , ateh upo kana!"

Na guilty ako sa sinabi ni Ella, hinintay pala nila ako, wow VIP ang peg ko .

Tumabi ako kay Jexter dahil yun lang yung bakanting upuan.

Nakita ko syang napatingin sa tuhod ko.

"What happened to your knees?"

"A-ah kagabi ng madapa ako, yaan mo na! Ok nayan kain muna Tayo!!"

Sabi ko at di naman nya pinansin. Habang kumakain kami biglang nag salita si aling Marites

"Jexter at Xeirra, kamusta tulog nyo??"

"Ah, ok naman po!!"

Ako na yung sumagot, dahil lumalamon pa si Jexter, di ko alam kong kailan pa to naging madamot sa pagkain.

"Ah,nga pala nabalita kanina na may bagyo pala, tingin ko di pa kayo makaka alis dahil bumabaha na sa ibang lugar. At nasabi din kanina na suspended ang lahat ng klase kaya wag kayong mag alala"

Ngumiti sakin si Aling Marites, why so mabait!!

"Salamat po aling Marites, at pasensya nadin po sa abala!! "

"Ano kaba, ok lang yun samin Masaya kami dahil dito kayo tumuloy"

Napangiti ako sa sinabi nya.

Ng matapos ako kaming kumain nag prisinta na ako  yung nag hugas ng plato, ayaw pa sana ni aling Marites, sorry nalang sya makulit ako, sinabi ko na kahit yun lang makabawi kami sa pag papatuloy nila samin, kaya wala na syang nagawa.

Ng matapos akong mag hugas nakita ko si jexter na nakatingin sa labas ng bintana, hindi padin tumitila yung ulan, medyo lumalakas nga ito,

Sila aling marites ay dun sa kusina at  nag luluto , alangan naman mag laba diba.  di ko alam kong ano eh, si mang Roberto naman ngayun ay may inaayos at umalis di ko din alam kong san pumunta.

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon