Twenty Sixth Shot

4.4K 231 2
                                    

Textmate?

-Xeirra's POV-

Tulala ako habang nakatingin sa baba ng Rooftop. Sobra na talaga akong naguguluhan. Kagabi ang batang lalaki at batang babae na naman ang panaginip ko. Hindi ko rin alam kong bakit palagi nalang sumasakit yung ulo ko. Hindi naman to nangyayari saki nun. Mga Scenario na bigla ko nalang nakikita. Nag sisimula na akong manghinala sa sarili ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko ng wala sa oras. Huminga ako ng malamin bago napapikit , dinama ang hangin.

"Bestie!! Kooo!"

"Xie Xei!"

Napabaling ang tingin ko kay Calvin. napakunot ang noo ko. Kasunod nito si Xynel na kumakain ng Springles, ang aga naman.

"Bestie! Na miss kita huhu!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya , ngiti ngiti naman si Xynel na lumapit sa gilid ko at umangkla ganun din ang ginawa ni Calvin, kaya naipit ako .

"Hoi! Ano ba! "

"Miss mo kami?"

Sabi ni Calvin bago sinandal ang ulo sa balikat ko. Letche. Talaga ng isang to. Ginalaw ko ang balikat ko pero hindi nito inalis ang ulo ganun din ang ginawa ni Xynel.  anong nangyari sa dalawang to.

"Alisin niyo yang ulo niyo, oh ako mismo tatanggal diyan?"

Napa alis silang dalawa at Nakanguso akong tiningnan. Si Xynel naman niyakap ang springles na dala.

"Anong nangyari sainyo?"

Ngumisi silang dalawa na tumingin sa akin

"Tss kailangan niyo?"

"Hehe!"

Biglaan nakang silang lumapit sa akin at nag tanong

"Bestie diba ako ang mas gwapo samin!?"

"Xei Xei diba ako yun!! Tingnan mo ! Ang gwapo ko diba diba!?"

Napakagat ako sa ibabang labi bago napahawak sa noo. Tss ano bang eni expect ko sa dalawang to. Mga abno.

"Letche kayo! Umalis kayo sa harapan ko bago ko pa pag sampukin yang mga ulo niyo!"

"Ehh!! Bestie naman eh!!"

"Huhu Xei Xei, sabihin mo muna! 'ang gwapo ni Xynel!!"

May pa padyak pa silang nalalaman at nag papa awang tumingin sakin. Letche Bakit ang cute tingnan.

"Tss, bahala kayo sa buhay niyo. Akala niyo naman di kayo mabubuhay kong di masabihan ng gwapo"

Pa bulong bulong kong sabi at nilampasan silang dalawa. Pero agad nila akong sinundan at pilit na tinatanong kong sinong mas gwapo.

"Bestie pag ako sinabi mong gwapo lilibre kita"

"Xei Xei! Kakain tayo pag ako yung gwapo!"

Napantig ang tenga ko sa sinabi nila pero di sila pinansin. Nag lakad ako patungo sa pinto pababa sa Rooftop, nakasunod padin sila sakin. Nangungulit. Nakataas ang kilay kong nilingon sila. Napatigil naman sila sa pag lalakad.

"Titigil kayo o Hindi?"

Ngumuso ang mga abno, mas mabuti ng manahimik dahil wala parin namang mag papatalo sa kanila

"Walang gwapo sa inyo alis!"

"Hindi yun totoo!"

"Huhu Xei Xei ang sakit!! Ang sakit ng sinabi mo!"

Halos mag lumpasay sila dahil sa sinabi ko. Yinugyug pa ni Calvin ang balikat ko at hinila naman ako ni Xynel sa kamay.

"B-bitawan niyo ko!"

Babysitting the cold prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon