Chapter 02
Squad.
Inayos ko ulit ang sarili ko dahil bigla akong na haggard dahil sa pag iyak ko kanina. Hanggang ngayon naiisip ko parin ang mga sinabi ni Dad sakin kanina.
Kailan kaya siya magiging proud sakin. ಥ_ಥ
Kahit si Manang norin pinapatahan parin ako dahil hindi parin ako nakaka recover sa pag iyak hanggang ngayon.
" Shh... kara tahan na, sige ka mag mumuka kang haggard nyan pagpasok mo ng school." Sabi ni Manang norin sakin habang sinusuklay niya ang buhok ko.
Buti pa si Manang Norin mahahalata mong may pake sakin...na mahal niya ako kahit pa hindi kami magka dugo.
"Alam mo naman sigurong sobrang stressed ng daddy mo ngayon lalo na sa negosyo nyo, kaya sana maintindihan mo kara iha..."
Mahinang paliwanag pa sakin ni Manang na parang gusto niyang maintindihan ko ang lahat ng nangyayare...pero bat ganon kahit sa sarili ko alam kong hindi ko maintindihan sila Dad, na bakit hindi ko ramdam na mahal nila ako bilang anak....
Pero di nako sumagot kay Manang Norin para di na humaba ang usapan at malalate nako.
'oo nga pala malalate nako! Bwakanang--
"Manang Norin alis na ho ako! Malalate na po ako sa first day of school ko ngayon! huhu." Sabi ko habang simasabit ang bag ko sa balikat.
"Oh sige mag ingat ka sa pag dadrive ah! Enjoy ka sa first day of school mo!" Rinig kong sigaw ni Manang sa loob ng mansyon dahil tumakbo nako papuntang sasakyan ko.
Yes, I have a car na! dahil binilhan ako nila mommy dahil hindi daw nila akong kayang ihatid dahil busy sila.
Well hindi na bago sakin yun.
Malapit na ako sa school namin, at iniisip ko palang na magkikita kita na ulit kami ng mga bff ko ay sobrang excited nako! Omg! namiss ko talaga sila ng sobra, dahil may kanya kanya din silang ganap nung bakasyon kaya Hindi kami masyadong nagkaka bonding.
At sa wakas nasa may gate nako ng school.
'Dr. Carlos S. Lanting College'
Dito ako sa Lanting nag aaral, kung saan mahahalata mong mayayaman ang mga nag aaral dito at dito mo rin makikita ang nag gagwupuhan, nag gagandahang nilalang! Syempre kasama ako dun sa maganda! Enebe.
Syempre di rin papahuli ang matatalinong studyante ng Lanting College no! Kaya kaming magkakaibigan todo kayod sa pag aaral para lang hindi mapalayas sa school na to! Char matatalino naman talaga kami lalo na mga bff ko hehe.
Ewan ko ba bat di makita nila Dad ang pag sisikap ko sa pag aaral. Hays mamaya na yan Kara baka lalong masira araw mo!
"Kara!!" Rinig kong tawag sakin ng kung sino. Alam ko na kung sino sino yung mga yun hehe.
"Omgggg mga bff ko!!" Sigaw ko agad sa sobrang excitement ko! Namiss ko talaga sila bat ba!
"Omgg bakla mas gumanda ka ngayon!" Manghang sabi ng befriend kong si Tobi! Lagi naman siyang ganyan sakin kahit dati pa, vakla kase siya mga beh hehe.
Masarap tong kasama si Tobi e, actually lahat naman sila masarap kasama pero alam nyo naman pag may bakla sa group nyong magkakaibigan ansaya lagi dahil maliban sa nakakatawa sila kaya ka din nilang ipaglaban sa nang aapi sayo!
"Namiss ko kayo! Ano kamusta na mga bff kong magaganda?" Tanong ko kaagad pagkatapos naming magyakap lahat.
"Ok lang naman, maganda parin naman! Actually mas gumanda Hahaha! " Sagot naman ni Liezel.
YOU ARE READING
The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)
Ficción GeneralLino Antonio Laxa is the son of the CEO of Maxwell Empire which is one of the most famous companies in the country. Lino is a serious man and smart, many women go crazy with him because of his good looks. But the only one that caught his attent...