CHAPTER 07

245 7 0
                                    

Chapter 07

Bitter.


"Oh Kara bat ngayon ka lang? Antagal mo naman ata sa C.R?" Bungad ni liezel pagdating ko sa library. Hindi ko napansing andito na pala ako at mabuti nalang tama ang napuntahan ko, tulala kase ako habang nag lalakad.

"Ha? A-ano kase..." Iniisip ko muna kung sasabihin ko ba sakanila yung nangyare kanina sa pagitan namin ni ate lei at ng boyfriend niya. "Ano kase mahaba yung pila kaya natagalan ako." Palusot ko nalang para hindi na sila mag alala. Parang di sila naniniwala agad sa sinabi ko base sa tingin nila sakin, kaya nginitian ko agad sila upang di nila ma-isip na may nangyare.

"Sure ka ba dyan? Bat parang namumula mata mo?" Pangungulit pa
sakin ni liezel, hindi talaga siya naniniwala sa paliwanag ko. They already know if I'm lying... they really know me that much huh, nababasa na agad nila ako. Mag sasalita pa sana ako ng biglang sumingit yung pinsan ni Stephanie.

"Oy! Andito din pala kayo?" Gulat pero nakangiting sabi ni James. As usual kumpleto silang F3. Napasulyap ako kay lino na nakatingin na rin pala sakin, bigla ko tuloy naalala yung nangyare kanina-- Shit! Umiyak nga pala ako sa harap niya kanina! Medyo malayo kami sa isa't isa non pero alam kong nakita niya yun! Nakakahiya.

ಥ‿ಥ

Ano nalang kaya iisipin ni Giant guy, parang gusto ko tuloy tumakbo palabas at iwan sila dito!

"Pwedeng maki share ng table? Tatambay lang din sana kami dito, di kase pumasok yung last teacher namin may meeting daw." Mahabang paliwanag ni james, napansin kong madaldal din to gaya ni liezel.

"Oh sure! Okay lang naman, apat lang din naman kami dito kasya naman tayo dahil malake yung table." Sabi ni liezel na panay sulyap kay Samuel.

"Hindi ba kami nakaka abala? Pwede naman kami sa kabilang table nalang, kung di kayo comfortable na andito kami." Biglang singit ni Samuel. Anyare dito? Biglang nahiya? eme.

"Ano ka ba insan! Pumayag na nga e." Bulong ni james kay Samuel. "Wag ka na ngang pakipot, dito na tayo para naman may kasama tayo." Sabi pa ni James sabay ngiti. Kaya wala na silang magawa dahil sa kakulitan ni kanilang pinsan. Wala din namang problema sakin... Basta ba behave lang sila.

Hindi na ako kumibo pa at pinagpatuloy lang ang pag re-review, para naman pagdating sa bahay makakapag pahinga na agad ako. I've been so tired for this whole day. Tahimik lang kami na nag re-review ng biglang may naalala.

"Syanga pala baks." Pag tatawag ko ng atensyon kay tobi. "Wag mong kalimutan yung sa project natin ha, diba may kakilala ka na pwede nating maging model?" Pina-alala ko lang sa kanila baka kase makalimutan nila e.

"Ay oo nga pala bes! Buti pina alala mo." Oh diba? Makakalimutin kase tong si tobi, buti nalang pina-alala ko. "Sige sige, itatanong ko na agad mamayang uwian para malaman agad natin kung payag ba siya." Paliwanag pa niya. Sana nga pumayag para naman di na kami mahirapang mag hanap.

"Bakit anong meron?" Biglang tanong ni James. May pagka chismoso din pala tong pinsan ni Steph.

"Ah kase pogi may project kami kay Sir Montejo." Sagot ni tobi, nakinig naman sila dito. "Kailangan naming mag hanap ng magiging model namin, at siya na rin ang magiging representative namin for this coming event ng school." Mahabang paliwanag ni tobi sakanila ni James.

"Oh, bat pa kayo mag hahanap eh andito naman ako?" Biglang sabi ni James sabay pa cute. Nagka tinginan kaming apat nila liezel dahil sa sinabi nito.

" Ikaw? Pwedeng mag model?" Parang natatawang sabi ni liezel kay james sabay tingin nito mula ulo hanggang paa. "Hmm... Pwede rin naman, kase mukang pang model din naman dating mo." Tumatangong sabi pa niya. Tinignan ko sila isa isa, at masasabi kong parang nga silang mga modelo. Bagay na bagay!

The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)Where stories live. Discover now