Chapter 03
Giant guy
Naglalakad na kami ngayon papuntang BS 2 Building kung saan ang room ng kuya ni Steph.
Sa building na ito makikita ang mga students na kinuhang course ay about business, BS in Business Administration pwede mong kunin na strand dito ay Accountancy, Business and Management strand (ABM). Kaya about business ang kinuhang course ng kuya ni Stephanie ay dahil balang araw sila na rin ang mag ma-manage ng family business nila.
Ewan ko ba kay Steph bat ayaw niya kunin yung ganong course tupad sa kuya niya, mas gusto niya about fashion kaya ang kinuha namin ay Fashion Design. Syempre lahat kami about fashion ang kinuha talo talo na no hehe.
"Grabe! Andami talagang pogi sa building na to shet!" Bulong samin ni Liezel. "Pero sayang lang nung iba..." Pagpatuloy niya habang naglalakad kami.
"Huh? Why nemen?" Maarteng tanong ni tobi sa kanya.
"Eh kase ang gagwupo nga nila pero yung iba muka paring nerd! Kaya sayang huhu." Nalulungkot na sabi ni Liezel.
Nilibot ko ang paningin ko... Oo nga masasabi kong halos mukang nerd ang mga tao dito, hmm nerd ba talaga or sadyang ganon lang talaga sila ka porsigidong mag aral? Minsan nakakalimutan na nila Yung mga taong nasa paligid nila sa sobrang pag aaral nila.
"Oh! Where here na pala." Biglang sabi ni Zeph.
Andito kami ngayon sa tapat ng section 1.
'Wow, sanaol section 1'
"Grave ha! Sanaol sobrang talino Section 1 pa!" Malakas na sabi ni tobi.
" Tss... bakit? Matalino din naman tayo no! Haleerr Section 2 kaya tayo, isa lang agwat!" Biglang sabat ko, bat ba bida bida ako e hehe.
"Ay shala! Oo na teh matalino kana! Ikaw pa ba! Sayo nga ako nangongopya divaahh! Hehehe."
Totoo namang sakin sya nangongopya, pero minsan lang kase alam nyo matalino talaga yang si tobi kaso nga lang minsan tamad gumawa ng assignments! Pero ok lang naman kase lahat naman kami minsan nagkokopyahan but most of the time tinuturuan namin ang isa't isa di lang puro kopya!
"Oh Steph asan na kuya mo?" Tanong ni Liezel...hmm parang alam ko na.
"Oooyyy!! Ikaw ah! Akala mo siguro makakalikutan namin na inamin mo saming crush mo yung kuya ni Stephanie!! HAHAHAHA" Malakas na tawa ni Tobi, nang aasar! Loko talaga andami pa namang tao hahaha.
"Oii gagi baks! Ang ingay mo naman eii!" Parang batang sabi ni Liezel.
" Sus! Nahiya ka pa! Yaan mo na di naman niya alam diba Steph? O baka naman sinabi mo sa kuya Luke mo?! HAHAHAHA"
" Hala! I can't tell that to my brother no! cause it's a secret!" haha ang cutie talaga neto ni Stephanie mag salita.
"Dzuh! It's just a jwk lang kaya!" Ginagaya ni tobi yung paraang pag sasalita ni Steph. Loko talaga!
"So where is your kuya na ba kase bff?" Tanong ni Liezel.
Oo nga tagal lumabas! Gold ba siya? Charing! hehe
"I'm here." Ampo- nagulat ako dun sa biglang nag salita sa likod namin!
" Oh! Hi kuya, Here are the books you left at home." Sabi ni Stephanie habang inaabot sa kuya niya yung libro.
" Thanks. Uhm wait baby, pwede ka bang makausap? I just want to ask you something."
" Sure kuya, what is it po?" Hinintay lang namin sila Steph sa may gilid habang nag uusap sila.
YOU ARE READING
The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)
General FictionLino Antonio Laxa is the son of the CEO of Maxwell Empire which is one of the most famous companies in the country. Lino is a serious man and smart, many women go crazy with him because of his good looks. But the only one that caught his attent...