Chapter 08
Deal.
"Do you want me to go with you kara?" Tanong sakin ni Stephanie. Lunch time na namin ngayon kaya balak ko ng puntahan si Giant guy sa room nila upang kausapin.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa gagawin ko. Kulang pa nga ako sa tulog dahil sa kaka-isip kagabi, kung pano ko ba sasabihin sa kaniya na kung pwede ba namin siya kunin bilang model. Papayag kaya siya? Sana nga pumayag.
"Ano ka ba Steph kaya na ni Kara yan!" Sabi pa ni Liezel na may malaking ngiti sa labi. "Diba bff kaya mo naman? Ikaw pa ba!" Pag che-cheer pa nila tobi sakin. Kung titignan mo sila mukang may mga balak e.
"Pano kung mag hanap nalang kaya tayo ng iba-- " pinutol na agad ni tobi ang sasabihin ko.
"Nako Kara ah! Pinag usapan na natin to kagabi diba." Hays, wala na talaga akong magagawa!
" Tsk! Oo na, sige na! Pupuntahan ko na." Sabi ko sabay irap sa hangin. "Oh sige na! Pray for my soul." Pag bibiro ko pa para naman mabawasan yung kabang nararamdaman ko. Ngumiti naman sila ng malaki sakin at niyakap muna ako bago umalis. Parang akala mo di na magkikita e.
"Gawin mo ang lahat bff para pumayag ah! Kaya mo yan, We trust you." Sabi pa ulit ni Liezel sakin sabay senyas sakin na 'fighting' bilang pag che-cheer. Bumuga muna ako ng hangin at ngumiti sa kanila bago tumalikod paalis.
"Kaya mo to Kara!" Bulong ko sa sarili habang nag lalakad papuntang BS 2 building, kung saan ang room nila lino.
Marami ng studyante sa paligid dahil nga lunch time na. I wonder kung nasa room ba nila si Giant guy or baka nasa canteen? Bat nga ba diko naisip na baka nasa canteen sila? Pero titignan ko parin baka sakaling andun siya sa room nila.
May bumabati din sakin habang nag lalakad, karamihan mga lalake pero meron din namang babae. Grabe, ganon ba ako ka kilala dito sa campus? Naalala ko tuloy yung natanggap kong papel nung isang araw, saan kaya galing yun...
Palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko lalo na nung nasa may tapat nako ng room nila Giant guy! Parang nag dadalawang isip tuloy uli ako.
(・_・;)
"Kaya mo to Kara... Isipin mo nalang para to sa project nyo." Mahinang paki usap ko pa sa sarili. Nag muka tuloy akong baliw, nag sasalita mag-isa! Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala masyadong tao sa floor na ito, siguro ay nasa canteen?
Sumilip ako sa bintana upang tignan kung may tao ba sa loob ng room at nakita kong may ilang studyante ang nandon. Nilibot ko ang paningin ko pero di ko naman nakikita si giant guy! Asan na kaya yun?
"Tsk, baka nga nasa canteen na nga ngayon yun" Mahinang sabi ko at bumuga ng hangin bago napag disesyonang umalis nalang at pumuntang canteen. Pero biglang nabunggo ako sa kung sino pag harap ko! Bat ba lagi nalang ako nabubunggo?
"Aray naman." Sabi ko sabay himas sa may nuo ko. Nagulat ako nung pag tingala ko si Giant guy pala yung nasa harapan ko! Mas dumoble tuloy kaba ko at dagdagan mo pa ng hiya!
"A-ah..." Shuta naman bat di ako makapag salita ngayon? Parang gusto ko nalang tumakbo! Pano ba naman kase yung tingin niya sakin kulang nalang malulusaw nako dito sa kinatatayuan ko!
I cleared my throat first, bago huminga ng malalim.
'kaya mo to Kara!'
Nakita kong paalis na sana siya sa harapan ko pero pinigilan ko kaagad siya!
"Wait lang." Sabi ko habang hawak siya sa may braso niya. Napatingin naman siya dun kaya tinggal ko agad! "Ano kase..." Speak now Kara! "Ano kase kanina pa kita hinahanap..." Mahinang sabi ko, di makatingin sa kaniya ng deretcho dahil diko kaya yung klase ng titig niya sakin! "Oum pwede ba tayo mag- usap?" Nahihiya ko pang tanong sa kaniya, di na mapakali! Nakita kong parang wala namang nag bago sa muka niya-- poker face parin amp.
YOU ARE READING
The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)
General FictionLino Antonio Laxa is the son of the CEO of Maxwell Empire which is one of the most famous companies in the country. Lino is a serious man and smart, many women go crazy with him because of his good looks. But the only one that caught his attent...