Chapter 11
Unexpected.
Nakikita kong hindi parin sila makapaniwala sa kanilang narinig. Nakatayo parin kami ni lino sa harap nila at parang isang sagi nalang saakin ay matutumba na ako dahil sa kaba!
Mas lalo akong kinakabahan ng ma-isip na baka hindi nila ako nagustuhan para kay Giant guy...
Maingay naman sa buong venue pero dahil sa biglang pag tahimik ng mga tao dito sa table ay parang kulang nalang ay makarinig ako ng kuliglig.
"A-ah ganon ba anak?" Sabi naman ng Mommy ni lino, binasag ang katahimikan. "Oh, I'm sorry for our reaction ija... nagulat lang talaga kami na may pinakilala itong anak ko na girlfriend niya." Paliwanag niya sakin at mahinang siyang tumawa na para bang di talaga siya makapaniwala. Napaigda ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay!
"What's your name again?" Nakangiting tanong niya sakin. Napaka-amo at napaka ganda ng kaniyang muka habang naka tingin sa akin. Kahit kinakabahan ay sinagot ko ito ng maayos.
"I'm Kara Shane Sariano po." I politely replied, smiling as well.
"Wow, your name is beautiful as you ija!" Mangha niyang sabi sakin sabay tingin sa kaniyang anak na katabi ko lang. "Magkaklase ba kayo anak?" Nakangiti niyang tanong kay lino. He cleared his throat first.
"Where just schoolmates mom."
"Oh really? That's good then." Sabi niya at tumingin ulit sa akin. "By the way this is my husband..." Lino's father smiled at me. "and this is my mom." Tumingin ako sa lola nila lino at ngumiti, I bowed my head to show respect for them.
"Hello po ma'am, Happy birthday po." Magalang at nakangiti kong bati sa matanda. Ngumiti din siya sakin ng malaki bago mag salita.
"You're so beautiful ija! You look like an angel!" Mangha niyang sabi habang sinusuri ang kabuuhan ko.
"Ang swerte naman ng apo ko!" Masaya niyang sabi at nagsi tawanan silang lahat na nandito sa table."Tss." Well, maliban kay Giant guy na nakanguso sa tabi ko! Problema neto?
Pero aaminin kong ang cute niya habang naka nguso! Para siyang bata.
(●__●)
"Oy insan ngumiti ka naman!" Rinig kong mahinang kantyaw sa kaniya nila James. Di sila pinansin ni lino kaya nagsi-tawanan nalang sila.
"And by the way don't call me ma'am, you can call me abuela instead." Parang kinikilig niya pang sabi sa akin, dahil sa narinig ay hindi ko mapigilang magulat. Napatingin ako kay lino na ngayon ay naka titig sakin.
Ano ba naman to... baka sabihin ng family niya sobrang inlove siya sakin. Chariz!
Pero wait...abuela? May lahi din silang Spanish?
Napanguso nalang ako dahil sa gustong kumawala na ngiti sa aking labi. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganito ka-ganda ang pag welcome sa akin ng pamilya ni Giant guy. This is not what I expected.
"Let's sit here ija." Iginiya ako ni Mrs. Laxa paupo sa pwesto nila. Tinignan ko si lino na tumabi din saakin.
"Oy! okay ka lang?" Mahina kong tanong sa kaniya. Tinignan niya naman ako gamit ang walang emosyon niyang muka. Parang kanina lang nginitian niya ako, bipolar ba to? Baka sabihin ng pamilya niya napipilitan lang kami sa isa't isa! Well I know that where just pretending, pero ayusin niya namang umarte!
"Hoy ngumiti ka naman." Bulong ko pa sa kaniya at tinaasan niya naman ako ng kilay! Anak ka ng--
"Yie! ang sweet nyo naman! May pa bulong-bulong pang nalalaman!" Malakas na sabi ni James sabay tawa. Baliw talaga to!

YOU ARE READING
The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)
General FictionLino Antonio Laxa is the son of the CEO of Maxwell Empire which is one of the most famous companies in the country. Lino is a serious man and smart, many women go crazy with him because of his good looks. But the only one that caught his attent...