Chapter 10
Girlfriend.
Parang may anghel atang dumaan sa pagitan naming lahat dahil sa biglang pag tahimik. Di parin makatingin ng deretcho si Giant guy saakin. Anong problema neto?
"Oh lino you're here na pala." Biglang sulpot ni Stephanie galing sa kwarto. Parang napansin niya ang pagiging tahimik namin. "Oum what happened?" Naguguluhan niyang tanong samin.
"Nothing's happened hehe." Sagot naman ni tobi sabay tingin sakin, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"So kuya pogi aalis na ba kayo?" Tanong niya kay lino kaya tinignan naman siya nito. Tinignan ko siya ng mabuti at masasabi kong sobrang gwapo niya ngayon! I mean gwapo naman talaga siya pero iba ang aura niya ngayon!
His Mint Green New Rosso, Wide Leg Pure Wool Suit & Vest suits him very much. Parehas kaming naka kulay green dahil ayun ang sabi niya.
Ang ganda din ng pagkaka-ayos ng kaniyang buhok. I can really smell his perfume here-- sobrang bango!Tumingin muna si Giant guy sakin kaya napaayos ako ng tayo.
Relax Kara!
"Are you already done with what you are doing?" Ang ibig sabihin niya atang ay yung pag aayos sa amin ni Stephanie.
" Oum... Actually we're done na so don't worry." Sagot ko naman kaya napatingin ulit siya sakin. Bat ba parang nahiya ako bigla sa tingin niya? Parang nakakalusaw!
"Kuya pogi ano naman masasabi mo sa best friend namin? Sobrang ganda niya no!" Sobrang laki ng ngiti ni liezel habang tinatanong yun! Anak ka ng--
Parang gusto ko nalang mag pakain sa lupa nung tinignan ako ni lino mula ulo hanggang paa! Shutabeelsss naman! He cleared his throat first before speaking.
"I can say she's so beautiful-- I mean definitely gorgeous right now." Hindi siya makatingin sakin habang sinasabi niya iyon. Biglang napa sigaw ang mga kaibigan ko dahil sa kanilang narinig mula kay Giant guy! Kahit ako feeling ko namumula nako ngayon dahil sa hiya!
Tsk! Pa fall!
Anong pa fall dun e totoo namang maganda ako?
"Omg!! May beautiful na nga may gorgeous pa! Diko na kinakaya to!" Kilig na kilig paring sabi ni liezel.
"Ikaw na talaga bff!" Sabi naman ni tobi sabay sundot sa tagiliran ko. Nakakahiya naman tong mga to! Sa harap pa talaga ni Giant guy! Tawang tawa naman si Steph dahil sa pinag gagawa nila. Di na tuloy ako makatingin dahil sa hiya!
"So oum... are we leaving now?" Biglang tanong ni Stephanie saamin. Ngumiti naman ako sa kaniya bago tumango.
"Ah oo tara na baka ma late pa tayo." Sagot ko sabay sulyap kay Giant guy na ngayon ay nakatingin na pala saakin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Are you ready?" Seryosong tanong niya sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Bat ba ganyan siya makatingin? Parang mangangain!
"Ha? Oum d-diko alam." Kinakabahang sagot ko. Sobrang lamig na nga ng mga kamay ko dahil sa kaba! Isarang araw lang naman diba?
(・_・;)
"Don't worry. I won't leave your side while we're at the party." Senserong sabi niya sakin, kaya diko mapigilang ngumiti habang tumatango sa kaniya. Parang bigla siyang napahinto at nakita kong napatingin siya sa labi ko bago umiwas ng tingin.
"Ingat kayo dun ah! Balitaan nyo kami." Mahinang sabi ni liezel saamin ni Stephanie habang palabas na kami ng bahay.
Magkakasama sana kaming apat ngayon kaso may importanteng lakad daw si tobi with his family, at si liezel naman ay may pupuntahan din daw sila ni tita lucy. As usual wala nanaman sila mommy dito sa bahay dahil may business trip daw sila in one week. Si ate lei naman dun daw muna siya nag stay sa friends niya dahil sabay sabay daw silang mag re-review for their test.
YOU ARE READING
The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)
Fiction généraleLino Antonio Laxa is the son of the CEO of Maxwell Empire which is one of the most famous companies in the country. Lino is a serious man and smart, many women go crazy with him because of his good looks. But the only one that caught his attent...