Chapter 04F3
"Hays salamat nakauwi din..." Mahina kong sabi habang papasok sa bahay namin.
Grabe tong araw na to, first day palang dami na agad pinapagawa! Ganon ata talaga pag college.
Btw second year na nga pala kami ngayon. Kaya dagdag requirements nanaman.
Kaya dapat pagbutihin ko para maging proud sakin sila, lalo na si Dad.
Speaking of....asan sila bat parang tahimik yung buong bahay?
"Oh! Kara iha andito kana pala." Tanong ni Manang Norin sakin galing siyang kusina.
"Ah opo Manang karting ko lang din po." Magalang kong sagot.
"Oh sya! Kumain ka na ba? Pag hahandaan kita ng pagkain, nag luto ako ng paborito mong ulam! hehe." Excited na sabi ni Manang Norin sakin.
Eto talagang si Manang sobrang maalaga sakin mula nung bata palang ako, siya lagi ang adyan para sakin lalo na kung wala sila mommy.
"Sige po Manang! Nagugutom narin po kase ako hehe." di kase natuloy yung gala namin kanina nila tobi dahil may emergency daw si Stephanie kaya gutom na gutom nako ngayon!
"Ay oo nga po pala, asan ho sila mommy? Bat po parang tahimik?" Sawakas natanong ko din.
Tuwing umuuwi kase ako galing school minsan si Mom agad bungad sakin o di naman kaya si ate lei pero ang pagkakaiba minsan tatarayan niya lang ako o di naman kaya may ipapagawa.
" Huh? Hindi ba nila nasabi sayong may dadaluhan silang birthday party ngayon? Kasosyo daw ng daddy mo sa negosyo." bigla akong napa isip sa sinabi ni Manang sakin. Eh wala naman silang nabanggit na ganon sakin ah...
"A-ahh oo nga pala... sinabi po pala ni mommy kahapon nakalimutan ko lang po Manang hehe. " Sagot ko nalang kahit alam kong sa loob ko nalulungkot nanaman ako, dahil mag isa nanaman ulit ako.
Lagi naman ganon e...lagi nalang akong naiiwan dito sa bahay tuwing may ganong event. Well minsan nakaka sama ako pero kailangan pa magtalo nila mommy at daddy para lang makasama ako, dahil ayaw daw ni Dad na sumasama ako... Mag aral nalang daw ako dito.
Hindi ko mapigilang maiyak pagdating ko ng kwarto para mag bihis bago kumain.
'Feeling ko kinakahiya nila ako bilang anak...'
-
-
-"Kara gising na." naalimpungatan ako kinaumagahan.
Nakatulugan ko pala pag iyak ko kagabi.
"Oh ayan inayos ko na ang mga gamit mo, para pag ayos mo nalang sa sarili mo aasikasuhin mo." Sabi ni Manang habang inaayos parin mga gamit ko.
" Maligo kana baka mala-- Oh! Bakit ka umiiyak?" Gulat na sabi ni Manang Norin. Diko pala napansing naluha na ako habang naka tingin sa kaniya.
" A-ah wala po... Thankful lang po ako d-dahil andyan kayo palagi para sakin manang norin. Salamat po sa pag aalaga sakin mula bata hanggang ngayon. " paliwanag ko habang lumuluha.
Diko mapigilan yung emosyon ko. ಥ╭╮ಥ
"Ay nakong bata ka oo! Wag ka ng umiyak masisira ganda mo sige ka!" Alo nya pa sa akin. Si manang talaga!
"Halika nga dito." Sabi nya sabay yakap sakin.
Sobrang sarap sa pakiramdam... Na kahit kailan diko naramdaman sa sarili kong pamilya.
YOU ARE READING
The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)
General FictionLino Antonio Laxa is the son of the CEO of Maxwell Empire which is one of the most famous companies in the country. Lino is a serious man and smart, many women go crazy with him because of his good looks. But the only one that caught his attent...