CHAPTER 05

267 8 4
                                    

Chapter 05

Cold.


"San tayo kakain mamaya?" mahinang tanong samin ni tobi habang nakatalikod yung teacher namin, nag susulat sa board.

Pangatlong subject na namin ito bago mag lunch, kaya nag paplano na sila kung saan kakain pagtapos neto.

"Malamang sa canteen,vakla ka!" pag pipilosopong sagot naman ni liezel. Ganyan lagi yang mga yan e, kaya minsan nagtatalo nalang sila bigla pero nag babati din naman agad.

"Tss. Di naman ikaw ang tinatanong!" inis kunyari na sagot ni tobi. "Si Kara kase tinatanong ko no! Assuming ka."
sabay irap niya dito.

" So ano bff, saan tayo kakain mamaya?" tanong sakin ni tobi.

" Ha? Ahh... sa canteen nalang muna tayo?" mahinang sagot ko naman, para di kami marinig ni Ma'am Santos.  "Para dun nalang din natin pag- usapan yung pinapagawa satin ni Sir Montejo?"

May pinapagawa kase saming project. Oh diba project agad? Ganon talaga pag college na, kaya dapat mag sumikap talaga!

So I was saying, may gagawin nga kaming project. Kailangan naming mag hanap ng mga students na pwede naming gawing model. So bale susukatan namin sila, tapos kami din ang mag de-design ng susuotin nila. Kung sino man ang mapipili namin ay sila din ang representative namin sa darating na event sa school.

Oh diba bongga!

Kaya ngayon palang stressed na kami kung sino ang kukunin naming model! Sino naman kaya ang papayag na gawin naming model? Myghad.

*'TIIIINGGGGG!!!!'*

tunog ng bell yan, wag kang ano!

"Wag nyong kalimutang mag review for tomorrow's test okay? So okay, class dismissed." pag papaalam sa amin ni Ma'am Santos bago lumabas ng room.

" Grabe! Sobra dami nating gagawin! Bukas may test pa kay ma'am kaya kailangan ko pa mag review pagdating sa bahay mamaya!" parang maiiyak na sa stressed si liezel. Kahit ako parang gusto nalang din maiyak sa sobrang daming gagawin.

"Kaya nga e, I thought pa naman makakapag relax na agad ako when I get home na. " malungkot din na sabi ni Stephanie.

" Baka masira pa yung beauty ko dahil ditech, meyghed!" maarte namang sabi ni tobi. Gusto ko din sanang mag complain din tulad nila, pero naisip ko paano kung lahat kami iisiping hindi namin kaya? Edi puro negativity nalang talaga ang ma- iisip namin.

Dapat ay may matirang matibay sa amin upang mas maging panatag na ulit ang loob nila.

" Ano ba kayo, kaya natin to okay? Isipin nalang natin na 'for our future' lang din naman natin ito!" pag bibida ko pa. Ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil alam ko namang kaya namin ito. "Basta walang iwanan okay? Mag tulungan tayo, kaya natin to!" pag che- cheer ko pa sa kanila.

And that's it, I was suddenly relieved when I saw them seem to be encouraged! Nakikitaan ko sila  na para bang napapa- isip at  nabubuhayan sila dahil sa mga sinabi ko.

"Tama si Kara guys, dapat ay wag tayong mag isip ng kung ano anong ka- negahan. Kaya natin to no! Tayo pa ba! " Sabi ni tobi, naka ngiti pa.

" Hays...Sige na nga! Iisipin ko nalang para sa future ko to! hehe walang iwanan ha?" naka ngiti naring sabi ni liezel. Hindi ko din mapigilang mapangiti, ayan ang mga kaibigan ko! Di nag papatalo sa kahit anong bagay.

'Lavarn kung lavarn! '

-
-
-

"Oh, kami nalang ni tobi ang mag oorder ng food,... Dito nalang kayo ni Steph para di tayo maagawan ng pwesto."

The New Secretary Is My Ex Girlfriend (On-going)Where stories live. Discover now