Chapter Nine

3.2K 184 27
                                    

Chapter Nine


Pain




"I want a prenup," sinabi ko iyon sa harap ng mga magulang namin ni Ryder.

Natigilan maging si Daddy sa sinabi ko. Nakatingin sa akin ang parehong parents ni Ryder. We met at our company para na rin sa isang business meeting. Ako, si Daddy, si Ryder at ang kaniyang Mama at Papa.

Walang agad na nagsalita sa kanila. Nagkatinginan kami ni Ryder. Matapang ko siyang tiningnan. I realized I have to ensure my money and properties. Ano man ang mangyari sa amin ni Ryder ay sigurado akong wala siyang makukuha sa mga ari-arian ko. I know they're also rich kahit pa nga muntikan nang bumagsak ang kanilang company pero hindi natin alam. Mas gugustuhin kong makasigurado. Wala na akong tiwala kay Ryder.

Pagkatapos ng lahat ng nalaman at nakita ko, I don't trust him anymore. Even a bit.

"Alecxandra..." si Daddy.

"It's okay." nagsalita rin si Ryder. Bumaling kami sa kaniya. Nagkatinginan kami muli. "Kung iyon po ang gusto ni Alecx ay ayos lang..."

Tumango rin ang parents ni Ryder pagkatapos magbuntong-hininga rin ng kaniyang Mama. When I looked at her she smiled at me as if telling me, too, that it's all right.

"Okay..." si Daddy na tumingin pa rin sa akin.

"I want all my properties to be solely mine. Ganoon din kay Ryder. Lahat ng properties niya, and all his money will be his only." sabi ko.

"Alecxandra," parang may gustong sabihin si Daddy o gusto na niya akong sawayin.

"I'm fine with what you want with your properties, Alecx. But, no, kung ano ang akin ay magiging sa 'yo na rin once we're married."

Tumingin ako kay Ryder at nagkatinginan kami.

"Kung ano ang gusto ninyo ay iyon ang masusunod at rerespetuhin namin iyon." ang Papa ni Ryder. Nagkatinginan din sila ni Daddy at nagtanguan.

Hindi na ako nagsalita. Whatever, Ryder. I don't need your money anyway. I have mine. Kahit ibigay mo pa sa 'kin 'yan hindi ko tatanggapin. I don't need it.

"Alecx, mag-usap muna tayo." hinawakan niya ako sa aking siko at pinigilan sa pagsunod sa parents namin na palabas ng conference room. Tapos na ang naging meeting.

Bumaling ako sa kaniya at hinarap ko siya. Marahan na rin niyang inalis ang pagkakahawak sa akin. Wala na ang parents namin at kaming dalawa nalang ang naiwan doon.

"What?"

"Do we have a problem?"

Umiling ako. "Wala naman, Ryder. I just really want to have that prenuptial agreement. Bakit, ayaw mo ba sa naging desisyon ko?"

Umiling din siya. "It's not that. Like what I said a while ago with our parents, okay lang iyon sa akin."

I shrugged. "Then?"

Nanatili ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

I sighed. "May meeting pa ako, Ryder." I told him.

"Wala ba talaga tayong problema?" pangungulit niya.

I almost roll my eyes at his repeated question. "Wala nga!" nainis na ako sa kaniya.

He remained looking at me. And then he sighed. "I'm sorry... I just want to be sure that we're all right..."

Nagbuntong-hininga na rin ako. "I'm sorry, too... Maybe I'm just tired from all my meetings..." dahilan ko.

"We'll have dinner together later after all these, 'kay?"

Nakatingin ako sa kaniya. Sa huli ay tumango lang ako. Nagpaalam na rin siyang babalik sa company building nila...

Hindi ko na sinundan uli si Ryder. But I hired someone to do it...

Hindi natuloy ang dinner na sinabi niya sa akin kinagabihan na kahit paano ay inasahan ko pa rin iyon. Biglang may emergency raw siya sa company... But I knew very well that he's lying. O baka rin nagsasabi naman talaga siya ng totoo pero talagang wala na akong tiwala sa kaniya.

"Where is he?"

"Sinusundan ko po ngayon ang sasakyan niya, Ma'am."

"Send me the details. Susunod ako,"

Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.

Pumasok ako sa sasakyan ko at nag-drive na rin patungo sa kung saan papunta si Ryder...

At doon ko naabutan... Sa isang tahimik na tulay. I didn't know why they were here maybe this place holds a memory for them? I don't know... And I don't care...

Hindi na nila napuna ang sasakyan ko na kahit nasa medyo malayo ay mapapansin naman dahil sa tahimik at walang kataong lugar na ito. But maybe they were just too engrossed with each other. Wala na silang pakialam sa paligid nila.

Lumabas si Ryder sa kotse niya at agad na dinaluhan si Isobel na nandoon sa tabi ng daan sa gilid ng tulay. Kitang kita ko na agad siyang niyakap nito nang makita niya si Ryder na dumating. Ang ang sumunod na nangyari...

I saw it with my very own eyes how their faces went closer to each other and how their lips met for a kiss! Kitang kita ko kung paano gumanti ng halik si Ryder kay Isobel. Unti-unti at marahan pa akong lumabas sa sasakyan ko para makita nang maayos iyon kasabay ng nadudurog kong puso... Maybe I was also a masochist. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanilang dalawang naghahalikan sa harap ko kahit pa may medyo malayong distansya pa rin kami.

They were kissing and even almost hugging each other so tight. It was a long passionate kiss they share. Akala ko ay wala nang katapusan iyon.

I stood there like I already became a rock on where I stood as I watched the maybe most painful scene I've ever seen in my whole life. Na sa sobrang sakit pakiramdam ko ay hindi pa ako nasaktan nang ganito noon kahit pa madalas naman akong bigyan ng sakit sa damdamin ng kapalaran. I have never been hurt or in pain like this before. Sobra sobra na hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila dahil unti-unti ay nawawala na ako sa sarili ko... Parang tatakasan ako ng bait! Parang mababaliw ako sa sobra sobrang bigat na ng nararamdaman... That I ended up not anymore knowing what to do or think...

Parang nablangko ang aking utak.

When the kiss was done doon lang ako napuna ni Isobel dahil nakabaling sa akin ang katawan niya. Agad din akong nilingon ni Ryder. Nanlalaki ang mga mata niya. Kahit pa parang nag-ugat na ako doon sa kinatatayuan ko ay nagawa ko pa ring pumasok at bumalik sa sasakyan ko.

"Alecx!"

I heard him call my name. Iniwan niya si Isobel na nakatayo doon at patakbong nilapitan ang sasakyan ko pero nakaliko na ako at napaharurot ko na ang sasakyan ko paalis doon.

At dahil wala na yata ako sa tamang pag-iisip... Wala na ako sa sariling nagmamaneho ng sasakyan ko. Ni hindi ako makaiyak para sana ilabas ang sakit at hinanakit kahit paano. Nanatili lang akong tulala...

I was mindlessly driving until I heard a loud screech of car tires and the blinding lights from a bigger vehicle. Sunudsunod at maingay na mga pagbusina hanggang sa parang nagdilim nalang ang lahat...

Villa Martinez Series #4: So It's You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon