Chapter One

6.3K 229 15
                                    

Chapter One



Vacation


"What's wrong, Dex?" sunod ako ng sunod sa kanya dito sa loob ng office niya.

Naglakad na naman siya palapit sa harap ng malaking glass wall ng opisina niya. Kita namin ang mga building din sa labas.

"Dex-"

"Ayoko na, Alecx." he said.

"Huh? Ayaw mo sa ano?" I sounded stupid. I already knew what he meant. Hindi naman na ito bago sa 'kin.

"Let's breakup." diretso niyang sinabi.

Umawang pa rin ang labi ko. Inisip kong nabingi yata ako at mali ang narinig ko sa kanya. "What... Dexter-"

Hinarap niya ako.

Agad bumuhos ang mga luha ko. Inis kong pinalis din agad. "Why- I mean, what's wrong?"

What's wrong with me? Bakit palagi nalang akong iniiwan? Parang cycle nalang. Magmamahal ako 'tapos masasaktan. Ano ba talaga 'yong mali sa akin? I was loyal. I was a good girlfriend. I take care of my boyfriend and his needs. I cook for him. I support him. I was there for him in good times and bad. Ano pa ba ang kulang? Binibigay ko naman na lahat. Nagreresearch pa nga ako minsan kung paano maging perfect girlfriend, e. I think I've done everything pero may kulang pa rin?

"Nothing's wrong, Alecxandra. I just think you're not the girl for me... And I'm not the man for you, too."

Tumango-tango ako. "Okay,"

And then I walked out.

That was a year ago. Naalala ko lang dahil naka-receive ako ng invitation para sa engagement party ng huling ex ko. The girl is a family friend. Pupunta rin yata ang parents ko.

Is this the girl for him? Kasi sabi niya sa akin noon hindi raw ako ang babaeng para sa kanya...

How the hell will you really know if that person is already the one for you? Buti pa si Dexter at mukhang alam niya. Kasi ako hindi ko na alam. Ilang failed relationships na ba ang dumaan sa buhay ko? Hindi ko alam kung bakit parang ang dali lang sa kanila na bitawan ako. Gaya ni Dexter. We'd been together for three years. Hindi naman siya iyong pinakamatagal ko na relationship. May naunang mas tumagal pa. Pero iniwan pa rin nila ako. Dexter told me I wasn't the girl for him after three years of being together. E, itong pakakasalan niya? Nag-isang taon na ba sila? Pero sigurado na siya kasi pakakasalan na nga niya.

Ang alam ko lang ay ibigay ang lahat-lahat sa akin kapag nasa isang relasiyon ako. Pero iniiwan pa rin ako... Am I not worth it? All I did was loving them and then in return they'd hurt me. Siguro may mali nga talaga sa akin. But what is so wrong with loving and giving your all? Isn't it supposed to be that way?

I was so tired of these questions. I was so tired of thinking about what's wrong with me. Kasi siguro ako talaga 'yong may mali kasi ako rin palagi ang iniiwan. Hindi ba talaga ako kamahal mahal? Minahal ba talaga nila ako? Bakit ang dali lang sa kanilang iwan ako...

"Alecxandra,"

My thoughts were cut when I saw my mother entered my office. Ako ang pinakanamamahala sa business namin. Nag-aaral pa lang ako noon ay hinahanda na ako ng parents ko. Ako ang panganay sa dalawang magkapatid at ang layo rin ng agwat namin ng sumunod sa akin. Nasa college pa lang ngayon si Sandro. At ang batang 'yon parang wala talagang balak na tumulong sa akin. Puro waldas lang ang alam gawin. Samantalang sobra ang paghihirap ko sa perang winawaldas niya lang sa mga walang kuwentang bagay. "Mom," salubong ko.

Villa Martinez Series #4: So It's You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon