Chapter Fourteen
Inis
"Are you sure you don't want to have our honeymoon anymore?"
Bumaling ako kay Ryder. "Hindi na nga, 'di ba? I'm fine without it."
Pagkatapos ng kasal ay balik trabaho lang uli kaming dalawa na parang wala lang nangyari. Parang hindi kami mga bagong kasal. We won't honey up anyway kaya bakit pa kami aalis para mag-honeymoon. Mabuti pang ilaan nalang namin lahat ng oras para sa companies.
"Alright... I designed our home, pero hindi pa iyon natatapos. Gusto mo bang lumipat sa penthouse? Mas malaki iyon sa condo mo. Doon nalang muna tayo habang hindi pa natatapos ang bahay na pinapagawa ko para sa 'tin..."
"No. I don't want to live in your penthouse." I firmly said.
Ilang sandali kaming natahimik bago muling nagsalita si Ryder. Sumulyap siya sa akin galing sa pagmamaneho. This is the last time na ihahatid o susunduin niya ako sa trabaho dahil magdadrive na ako uli or I'll have my own driver. Alam kong nag-aalala pa rin sina daddy sa driving ko dahil sa nangyaring aksidente sa akin. So I might just really consider getting a driver for now. "Why- But, okay, if that's what you want..."
"Hindi ako titira sa kung saan mo rin malamang itinira noon si Isobel." I still let my thoughts out. Diretso lang ang tingin ko sa daan sa harap namin.
Medyo malakas na nagbuntong-hininga si Ryder. "You're still talking about her, we're already married, Alecx."
Binalingan ko siya at nakita ang pag-iigting ng panga niya. "Basta ayaw ko doon. You can also sell that. Why are you still keeping it anyway."
Ngayon ay halata nang parang nawawalan na siya ng pasensya sa akin. Bago pa man kami ikasal ay madalas na ang pag-aaway namin dahil hindi na palaging pareho ang desisyon namin sa kompanya man o sa amin. Or I always contradict him. "Fine. Ibebenta ko na iyon." he said.
Bahala ka, Ryder. Wala akong pakialam kung ang aga-aga pa ay sinira ko na ang mood mo. You deserve it anyway. Kulang pa nga ito.
"Kung napipilitan ka lang namang ibenta iyon ay huwag na, Ryder, at baka pa masama sa loob mo at nandoon ang memories ninyo ni Isobel-"
"Will you please stop talking about her? Stop including her in our every conversation when it's already clear that other people's out of this! This is just about us, Alecxandra. Stop it." halos inis na niya talagang baling sa akin. Kung hindi lang siya nagmamaneho ay kanina pa niya ako paniguradong hinarap.
Tumahimik na rin ako. Whatever, Ryder. Bahala kang mastress sa mga pinagsasabi ko sa 'yo. Affected much? Bakit? Dahil talaga namang apektadong apektado ka kapag si Isobel ang pinag-uusapan.
Umirap ako sa bintana ng sasakyan niya.
Mabuti nalang at bago naman itong sasakyan niya at baka ipabenta ko na rin at baka pa nakasakay na rin dito si Isobel...
Binuksan ko lang ang pinto ng kotse niya at lumabas na nang walang paalam matapos niya akong ihatid sa company building namin. Batid kong gusto niya pa akong tawagin o may sasabihin pa pero pinili nalang niyang umalis na rin patungo sa kaniyang trabaho.
So we stayed in my condo habang hindi pa nga natatapos iyong bahay na pinapagawa niya after our wedding. Hindi ko nga alam na may pinagawa pala siyang bahay para sa amin. At gaya ng sabi niya ay siya pa mismo ang nag-design noon? Whatever, Ryder. Do what you want. Tandaan mo lang ang mga banta ko sa 'yo. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na hindi ayon sa akin. Hinding hindi na ako makakapayag na masaktan mo pang muli. Kung may gagawin ka man I'll make sure na alam ko ang lahat ng kilos mo.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #4: So It's You
RomanceAlecxandra was heartbroken from her past relationships. While vacationing with her best friend at the island resort Villa Martinez, she met Ryder, who was also nursing his own wounds from love. Alecx felt an instant connection with him and thought i...