-2-

182 15 3
                                    


Chapter 2:

Hindi natuloy yung lunch out ng barkada. Sobrang naging busy sa ER. Mali talaga ang combination namin ni Kiro. Pang-attract ng pasyente, e. Tuwang tuwa yung may-ari ng ospital ngayon kasi andaming pasyenteng naadmit.

No choice sina Kevin. After work na lang talaga ‘yung gathering. Bukas na lang daw sila mag-didinner with the family dahil hindi rin available ‘yung restaurant sa Narvacan kung saan sila dapat magdidinner.

“Uuwi ka pa ba o didiretso na tayo?”

Nag-aayos ako ng kit sa ER habang si Kiro naman ay walang magawa kung hindi ang maglaro ng Clash of Clans sa cellphone niya. Kalalaking tao, naglalaro ng larong pambata. And to think na scary and façade niya sa mga tao dito. Napaka-ironic talaga.

“Uuwi ako. Anlagkit ko, e.” Sagot ko habang inaayos yung mga swero. “Okay lang kahit mauna ka na. Huwag mo na akong ihatid.”

Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Siguro ay masyado siyang nagkoconcentrate sa nilalaro niya. Mahirap na, baka magcollapse ‘yung base niya sa war nila.

Nagsusulat na ako ng mga gamit na dapat mapalitan pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ang gulo talaga nito. Hindi ko maintindihan at masakyan ang trip.

“Kunin ko lang ‘to sa pharmacy,” hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapaalam, e. Siguro ay nakasanayan ko na iyon. Palagi naman kasi kaming magkasama – sa trabaho at sa ibang mga celebrations.

Hindi ko na siya nilingon kaya hindi ko nakita ang expression ng mukha niya. Maybe he’s brows are furrowed because it’s hard winning on that battle of clans. Baka natatalo na sila kaya hindi ko na rin tiningnan.

“Bakit parang badtrip si Kiro ngayon?” Tanong ni Nielsa, head ng pharmacy.

I shrugged. “Baka natatalo sa clan war?” I replied as I counted kung tama ba ‘yung mga binigay niya.

Tumawa lang siya. “Kung sabagay, lagi namang parang galit sa mundo ‘yan, e.”

I nodded. “Kuha mo, girl.” I chuckled as I thanked her and took the supplies I needed.

Pagbalik ko sa ER, nakatingin lang siya sa akin. “Ano?” Tanong ko habang inaayos yung mga gamit.

“Hatid na kita tapos sabay na lang tayong pumunta sa Riverfarm.”

Napatingin ako sa kanya. “Sure ka? Mamaya mainip ka pa.” Ani ko. “Huwag na. Magpapahatid na lang ako kay Manong Ver.”

Tumaas ang kilay niya. “Bakit pa? At saka magpapalit rin naman ako.” Sagot niya sabay turo sa mantsa ng dugo sa may laylayan ng damit niya.

“Okay. Sabi mo, e.” I shrugged. “Basta walang magrereklamo, a.”

“Basta walang mabagal maglagay ng eyeliner.”

I scoffed. “Excuse me? Kaya ko kayang maglagay ng eyeliner kahit naglalakad!” I defended.

“E, saan ka pala nagtatagal?”

I glared at him and he was smirking. “Ansama mo talaga!” I pouted and placed all the supplies sa cabinet. “Subukan mo talagang kumain sa bahay! Lalagyan ko ng asin yung kape mo!”

Tumawa lang siya. “Weh, weh, weh.”

I wrinkled my nose and rolled my eyes at him. “Ewan ko sa’yo.” I turned around closed the cabinet.

“Pikon talaga ‘to, kahit kailan.” At talagang ayaw pa niyang tumigil.

“Oo na!”

He rolled his eyes at me. “Sorry na. Bwisit. Lagi ka na lang galit, e.” May mga sinasabi pa siya sa sarili niya pero hindi ko na narinig ang mga iyon.

What He FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon