Chapter 23
Hinila ako nina Toni at Anika palayo sa kung saan nandoon ang mga lalaki. Si Mika ay natatawa tawa lang sa likod namin.
Pinaupo nila ako sa pinakamalayong table sa mga boys at tsaka sila nakahalukipkip na tumitig sa akin. I know what I did wrong. I should've told them about Kiro and I.
"Kailan pa kayo?" Tanong ni Mika na kalmadong umupo sa tabi ko. Hindi siya nagugulat sa mga nangyayari dahil naririnig naman niya kami ni Kiro kanina sa van. O baka naman may alam na siya kagaya nina Luigi at Mac?
Tiningnan ko sina Toni at Anika na naghihintay rin ng sagot ko. I sighed. "We're not yet together." Sagot ko at napanganga silang lahat. Nanlaki ang lahat ng mga mata nilang nakatitig sa akin.
"Hindi pa kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Toni. "E, ano iyong sinasabi ni—"
I shook my head. "We're not yet official. He told me he likes me but it's not official yet." Sagot ko. I've never imagined this moment to come. It's so hard to open up about Kiro and I because they are our friends. We've been friends for too and I know what they are all thinking.
Huminga nang malalim si Anika habang nakatitig pa rin sa akin si Toni. Walang nagsasalita. Malamang ay pinoproseso pa nila ang mga bagay-bagay.
"I was about to tell you first. Pero, ang kulit kasi ni Kiro noong nalaman niyang tinapos ko na ang lahat sa amin ni CK kaya sa kanya ko unang nasabi." Ani ko habang nakatingin sa mga daliri ko. "Isa pa, you're all out for Rachelle and Kiro. I don't know what—"
"Of course we're going to be more supportive of you and Migs." Ani Anika at hindi na ako pinatapos sa sasabihin ko. "You're his original girl, can't you see it?"
Tumingin ako sa kanila at nakita ko silang nakangiti sa akin.
Ano ba ang nginingiti ngiti nila?
"What?" Mika shrugged.
"Seriously, Danielle? Seriously?" Tanong ni Toni. "Iyana ng dahilan kaya hindi mo masabi-sabi sa amin?"
Tumango ako. Iyon naman kasi talaga. What if ang nasa isip pala nila ang nanulot ako ng lalaki? I don't want them thinking of me that way. What if nasa isip nila na nagpaasa ako ng lalaki? Although, totoo naman. Hay.
Tumabi si Anika sa akin at saka niyakap ang buong braso ko. "Baliw ka talaga!" Aniya. "Hindi kami magagalit kasi alam naman naming lahat na ikaw talaga ang gusto niya." Tumawa siya.
Tumitig ako kina Mika at Toni at nakangiti lang sila sa akin.
"He might not say it but we know." Ani Mika. "Ikaw lang kaya ang lagi niyang inaasikaso." Umirap siya.
Tumango naman si Anika. "Minsan nga hindi siya sumasama kasi hindi ka kasama. Tss. KJ forevs." Aniyang umiiling.
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "Anong ako lang?" Sumimangot ako. Sa akin lang siguro siya pinakaclose pero hindi lang naman ako ang inaasikaso niya.
"Anong hindi sumasama dahil wala ako?"Alam ko sa ospital hindi siya sumasama dahil wala naman siyang masyadong kaclose doon pero sa barkada? Hindi naman ata totoo?
Umiling silang tatlo sa akin. "Too naïve. Tsk. Tsk." Sabay iling nilang lahat sa akin.
What naïve? It's not. Being naïve means being inexperienced. Hindi ako inexperienced. I know kapag may pumuporma. Nararamdaman ko kapag may gusto sa akin iyong isang lalaki. Alam ko. Pero iba sa sitwasyon ni Kiro. I've been friends with him for too long para marealize kong magkakagusto siya sa akin.
Everything about us was about friendship. No more. Or so I thought. Until he told me he otherwise.
I'm not naïve. I was just clueless dahil iba naman si Kiro magpakita ng pagmamahal. Sinong mag-aakalang pagmamahal pala ang pagsigaw niya sa akin kapag mali iyong binibigay kong inumin kapag nagbabasketball siya? Paano ba iyon naging "way of showing love and care"?
BINABASA MO ANG
What He Feels
General FictionHe was always there but I've always thought of him less than what he deserves. He was always taking care of me but I've always thought that he was just messing with me. He was always looking at me but I've always thought he was glaring. Then he fo...