Chapter 19
"Hindi talaga ako makakapunta, Ma'am." I told Miss Joy regarding the convention. Alam kong umoo na ako kay Kiro pero something came up at home. Biglang kailangang umalis nina Mama at Papa papuntang Hongkong on those same dates for important business matters.
Walang maiiwan sa bahay kaya ako na lang.
Miss Joy looked at me. "Seryoso ka ba? Tuwang tuwa pa naman si Kiro Miguel na kasama ka." Aniyang parang natatawa.
I laughed, para hindi naman maging awkward. "Wala kasi talagang maiiwan sa bahay, Ma'am." Sagot ko at saka siya tumango.
Natutuwa si Kiro na sasama ako pero hindi kami nagpapansinan ngayon. Hindi pa rin siya makaget-over sa halik ni CK sa akin. Paano ba kasi niya nakita iyon?
"Well, ayos lang naman. At least hindi masyadong understaffed ng tatlong araw." Aniya at saka ako nagpasalamat at nagpaalam na aalis na. Naghihintay na rin kasi si Manong Ver sa labas.
Pagpasok ko sa sasakyan, nakita kong may isang bouquet ng roses sa likuran. "Kanino po iyan?" Tanong ko patungkol sa roses.
Ngumiti si Manong Ver. "Ah. Ibibigay ko sa anak kong grumaduate ng nursing." Sagot niya.
Tiningnan ko siya. "Si Narsha?" Tanong ko.
Tumango siya at ngumiti. He probably feels really good that one of his children is graduating again. Malamang ay sobra-sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon.
Kilala ko rin naman ang mga anak niya. In fact, kalaro ko sila dati. Lalo na si Johnver na nasa Saudi na ngayon, isang chef.
Akalain mo 'yon? Driver lang si Manong Ver pero isang anak na lang niya ang hindi gumagraduate. Si Jinny na lang na consistent Dean's Lister sa St. Louis University sa Baguio. Iba talaga ang masikap at mabait kung pagpalain.
"Kailan ka po pupuntang Lorma? Hindi po ba umaga ang graduation?" Tanong ko.
Umiling siya. "Bukas pa ang graduation nila. Luluwas ako mamaya." Sagot niya.
Tumango ako. So, sino ang maghahatid sa akin bukas? Gusto kong itanong pero ayokong umastang brat. Gusto ko naman siyang magkaroon ng oras para sa pamilya niyang malamang ay miss na miss na rin niya.
"Mag-iingat po kayo." Ani ko habang hinahanap ko sa bag ko ang nagva-vibrate na cellphone ko.
Limang missed calls at isang text galing kay Kiro.
From: Kiro-meter
What happened at home? Bakit hindi ka makakasama sa convention?
Magtatype pa lang sana ako ng reply nang nakita kong tumatawag na naman siya.
"Hello," sagot ko sa cellphone.
"Are you okay? What happened at home?" Tanong niya at alam kong nag-aalala rin siya.
"Wala naman. Aalis lang sina Mama at Papa kaya walang maiiwan sa bahay," sagot ko. "Nothing so bothering, Kiro." I tried to assure him I'm good.
I heard him sigh in relief from the other line. "Akala ko kung ano na." Aniya. "Ayos ka lang bang mag-isa ka sa inyo?"
"Yup. Nandoon naman sina Ate Carol." Sagot ko. "And besides, I'm not a kid anymore. Kaya ko na ang sarili ko."
"You always say that." Aniya. "Sige, hindi na rin ako pupunta sa convention."
"What?! Why?" I was shocked that's why I raised my voice.
I heard him sigh. "Wala kang kasama sa bahay niyo. I need to be here." Sagot niya. Hindi ko rin talaga alam kung anong tumatakbo sa isip niya, e.
BINABASA MO ANG
What He Feels
General FictionHe was always there but I've always thought of him less than what he deserves. He was always taking care of me but I've always thought that he was just messing with me. He was always looking at me but I've always thought he was glaring. Then he fo...