Chapter 20
"Hindi mo ba kilala kung sino iyong gusto ni Kiro?" Tanong ni Mama sa akin sa hapag kainan sa gabing iyon. Hindi pa rin natatahimik ang isip niyang wala na sina Rachelle at Kiro. Ano ba iyon sa kanya? Hindi nga niya kilala si Rachelle, e.
Hindi ako umimik. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko. Kapag humindi ako tapos biglang nagtapat si Kiro sa magulang niya, e di ako na naman ang sinungaling.
Kapag umoo ako, itatanong nila kung sino at ang ending ay magsisinungaling pa rin ako.
What the hell? Kailan pa ako naipit sa ganitong sitwasyon? Dapat nga ay ngayon ko sasabihin ang tungkol sa amin ni CK, e!
"Leave Dani alone, Ma. Masaya na siya kay CK." Papa laughed.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya dahil iniligtas niya ako sa pagsisinungaling ko o ano. Gusto kong sabihing wala na kami ni CK pero ayokong magtanong sila ng rason kung bakit. Pupwede bang wala nang tanong-tanong at tanggapin na lang nila ang mga bagay-bagay?
Mama turned to me. "Oo nga pala! Why don't you invite CK in for a dinner para makapagbonding naman kami?" Excited rin niyang sabi.
I shrugged at tinusok ko ang meatballs na ulam ko. "I don't think he can come, Ma. He's busy with the hotel." Sagot ko.
Totoo namang busy siya sa hotel. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihing tinapos ko na ang lahat sa aming dalawa gayong ganito ka-excited si Mama pag pinag-uusapan siya. Hay.
Mama looked disappointed when she heard what I replied. "I know he'll make time for you. He's a sweet guy." Hindi pa rin siya tumitigil. Ipinipilit niya pa rin ito.
I sighed. "Ma, give it up. Pag may time si CK, I'll ask him to come by pero now, he's really busy." Paglalambing ko. Ayoko rin naman kasing magalit siya sa akin dahil lang kay CK.
Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya nang marinig ang sagot ko. Ano bang mayroon kay CK? Bakit parang nahipnotismo niya ang magulang ko?
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Wala akong pasok bukas kaya pwedeng pwede akong magpuyat ngayong gabi.
Nagdownload ako ng ilang movies na pwede kong panoorin buong magdamag. Pero kahit na busy na ako sa pagdadownload ng movies ay hindi ko pa rin maialis sa isip ko si Kiro at Rachelle. Ano na kayang nangyari sa kanila?
Ano kaya ang sinabi ni Rachelle sa tatay niya at bakit ganoon na lang ang galak ng tatay niyang makipagdinner kasama ang mga Hernandez? Bakit niya kaya sinabing sila pa rin ni Kiro gayong bago siya bumalik ng Baguio ay wala na sila?
Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko.
Manonood na sana ako ng unang movie nang biglang tumunog iyong cellphone ko. Si Kiro, tumatawag.
"Hello?" Pagsagot ko sa tawag niya. "Gising ka pa. Wala ka bang duty bukas?" Tanong ko.
Hindi siya nagsasalita pero naririnig ko ang mabibigat na paghinga niya sa kabilang linya.
"Kiro? Are you okay?" Hindi ko rin naman mapigilang mag-alala. Ano kaya ang nangyari sa usapan nila ng magulang niya.
"I was not. But I am now," sagot niya gamit ang malambing niyang boses.
"You sound tired." I commented dahil ramdam ko ang pagod sa boses niya.
Huminga ulit siya. "I think I'd fall sick." Sagot niya. "Kanina pa kasi sumasakit iyong ulo ko."
I rolled my eyes. "Nurse ka naman. You know you just need to rest." Ani ko. "Dapat ay natutulog ka na ngayon."
"I will... later on. Pero kailangan kong marinig ang boses mo para gumanda ang pakiramdam ko." Aniya na siya namang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
What He Feels
General FictionHe was always there but I've always thought of him less than what he deserves. He was always taking care of me but I've always thought that he was just messing with me. He was always looking at me but I've always thought he was glaring. Then he fo...