-8-

127 6 0
                                    

Chapter 8:

Two weeks.

Ganyan katagal na akong iniiwasan ni Kiro. Masyado naman ata niyang sineryoso iyong sinabi kong ayoko siyang mangialam. Ayoko siyang mangialam sa desisyon kong bigyan ng second chance si CK. Iyon lang naman ang ibig kong sabihin. Pero si Kiro naman, sobrang wala nang pakialam. Ni hindi nga niya siya pumupunta sa kung saan nandoon ako.

Minsan kapag may admission galing sa ER na kailangan niyang iendorse at saktong ako lang ang nasa station, babalik siya sa ER at saka maghihintay na mawala ako sa station bago niya iendorse iyong pasyente. Like, what the hell? I just asked him to make me decide for myself, but he ended up not caring for me.

Hindi ba talaga pwedeng maging normal lang kami?

“Tulala ka na naman, girl.” Ani Sofia habang nagchacharting kami sa station.

I shook my head and smiled weakly. “Wala. May iniisip lang.” Sagot ko.

She chuckled. “Ano? I mean, sino? Si Mr. Candon Hotel ba?” Biro niya sa akin habang tinutusok niya ako sa tagiliran.

Lumayo ako sa kanya at humarap. “Hindi, a! Bakit ko naman iisipin ‘yun?” Oo nga pala. Si CK. Okay na kami. Siya na ang naghahatid at sumusundo sa akin. Lagi kong sinasabing magpapasundo na lang ako sa Manong Ver pero he always insists on doing so. The next thing I know, naghihintay na siya sa may entrance o sa may gate ng bahay.

Hindi kami. Hindi pa. I was serious when I told him I want to think. And I still am thinking. Ayokong madaliin ang lahat. He said we have all the time in the world and I think so, too. I’m taking all the time to think of the possibilities between the two of us. And besides, I don’t want to act so reckless about our relationship.

“E sino daw?” She pondered on. Wala talagang pinipiling lugar ‘to. Basta maasar lang ako, e.

I shrugged. “Tungkol sa high school friends ko.” I replied.

“O, anyare sa kanila?” She asked again.

I shook my head. “Wala.” I spoke. “May mga komplikasyon lang sa relationships.” Sagot ko. “Bakit nga ba ganun?”

“Anong ganun?”

“Kung kailan naman nakikita mo sa harapan mo ang forever, tsaka pa siya magloloko.” Ani ko.

She chuckled. “Wala kasing forever, girl. Bakit ba ipinipilit niyo?” She beamed. “Siguro may ‘til death do us part pero walang forever. Forever goes beyond eternity, beyond time. Humans don’t and can’t last that long.”

I looked at her. Lagi na lang itong may pinanghuhugutan. ‘Yung totoo? May nangyayari ba dito?

Pero she has a point. Maybe forever’s just being misused by couples who were caught in the moment. ‘Yung moment na peak ng nararamdaman nila para sa isa’t isa tapos may to infinity and beyond pa silang nalalaman.

The intercom phone suddenly rang. I was the nearest kaya ako ang sumagot.

“Station—”

“Pakisabi kay Sofia may naghahanap sa kanya dito sa OPD.”

I frowned when I heard Kiro’s voice. Bakit ba siya galit? Ni hindi man lang niya pinatapos ‘yung sasabihin ko kasi bigla niyang ibinaba ‘yung phone.

Nakakainis!

“Baba ka raw. May naghahanap sa’yo.” Ani ko kay Sofia na bigla namang kumaripas ng takbo papunta sa baba.

Baka ‘yung boyfriend niya. Balita sa buong ospital kung gaano kasweet ‘yung boyfriend niya, e.

Pero nakakainis talaga si Kiro. Bwisit! Nakakasira ng araw, e. Bakit ba siya galit sa akin? I tried my hardest to understand the situation pero what the hell? Paano ko naman siya maiintindihan kung hindi nga niya ako pinapansin?

What He FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon