1. Origin

1.8K 30 9
                                    

Diretso ang aking tingin habang naglalakad sa kahabaan ng daan, sa isang kalsada na punong-puno ng dugo at umaalingasaw ang mabahong bangkay ng mga nilalang na kung tawagin nila ay Zombie.

Kahit tirik ang araw ngayon, mararamdaman mo na ang buong bayan na ito ay nababalot ng kadiliman at parang nawalan na ng pag-asa.

3 days have passed after the events on that fateful day.

"This world is filled with madness" I murmured to myself

-One Week Ago-

"Luke!" sigaw ni Victor, ang bestfriend ko.

"Oh bakit? May kailangan ka?" tanong ko dito

"Uhh. Wala naman, sabay na tayong umuwi." pahayag nito

"Ha? Eh wala ka bang basketball practice?" tanong ko dito

"Wala eh." sabi niya

"Eh? Kaya pala eh, tss sige na nga sumabay ka na sa akin." pag-aanyaya ko

"YES!!!"

- - - - - -

"Oi, wala ka naman gagawin diba? Nuod tayong movie sa inyo tapos daan muna tayong 7 eleven, gutom na ako eh." -Victor

"Huh? Lagi kang kumakain pero hindi naman naiimprove yung physical appearance mo payat ka pa din." -Luke

"Eh anung kaso dun, halika na kasi, libre mo na din ako."

"Wow ha, ako na nga nagdrive, ikaw nag-aya, tapos ako pa ang manlilibre?"

"Eh, basta wag ka ng magsalita dahil ililibre mo din naman ako in the end."

"Fine, may magagawa pa ba ako?"

tapos sabay kaming naghalakhakan.

Pagbaba namin sa 7 eleven, napansin namin na may mga nagkukumpulang tao sa isang malapit na karinderya. Nagdesisyun kaming lapitan ito upang makita namin kung ano'y pinagkakaguluhan.

"Ha? Anu daw outbreak? Anu ba yun?"

"Mageevacuate? Bakit?"

"Hindi ko naman naintindihan yun, may epidemia ba na kumalat?"

yan ang mga narinig namin ni Victor.

Sinubukan kong iapproach ang isang mamamayan.

"Ate, anu po'y nasa balita?"

"Virus Outbreak daw iho, baka may epidemia nanaman at kailangan na nating magsilikas."

"Ah, epidemia ba, sus akala ko naman kung ano na." singit ni Victor.

"Teka, san daw po ba galing yung epidemia?" tanung ko.

"Sa dakong labas ng bayan iho."

Biglang may nagflash na kakaibang scenario  sa utak ko.

"Edi kung doon nga yun, ibig sabihin, safe tayo dito." sabi ni Victor.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon at tumuloy na kami sa 7 eleven. Umorder kami ng Dalawang Slurpee at isang dosenang chichirya.

Dumiretso kami sa may bahay para manuod ng movie. Una naming pinanuod yung Ghost Protocol tapos isinunod namin yung Avengers.

Pagkayari naming manuod, napansin ko na 9:00 na ng gabi.

"Oi, dito ka nalang matulog ha, alam mo namang hindi ako nagddrive ng gabi, ipapaalam nalang kita kay tita, papayag naman yun kasi walang pasok bukas."

"Okay sige, didiretso na ako sa guest room, inaantok na ako eh."

"Sige." pagtugon ko dito.

Tinawagan ko si Tita Angie at ipinaalam ko na si Victor, pumayag naman ito. Bago pa man maibaba ni Tita Angie yun phone, narinig kong may mga katok na nagmumula sa kanilang pinto na hindi ko nalang pinansin.

-Next Day-

6AM ng umaga ng ginising ako ng aking nanay.

"Anak! Gising na dali, madali ka!"

"Ma? Ano bang meron? Ang aga-aga oh, saka Sabado ngayon ah."

"Basta anak! Madali ka lilikas na tayo ngayon din."

Hindi na ako nagtanong at agad akong nagbihis, nakita ko si Victor na nakaupo sa sala, suot na niya yung damit na ipinahiram ko sakanya at tila ba'y may bumabagabag dito.

"Oi, anu ba meron?" tanong ko dito.

"Hindi ko sure pero, kailangan na nating umalis."

Hindi na ako kumibo dahil tingin ko na kahit anong pilit ang gawin ko eh hindi siya magsasalita until mamaya. So kinuha ko yung mga importanteng bagay at baka matagalan bago kami bumalik dito.

Camera, Tripod, Laptop, Cellphone, MP3, Swiss Knife, 3 Bote ng Mineral Water, Journal, Kaunting damit.

Sumakay na ako ng sasakyan, si Mang Pedro ang magddrive sa amin tapos si Mama naman mag-isa niya sa kotse niya.

Habang nasa Sasakyan, isinaksak ko ang broadband at naginternet, napansin kong may isa akong Email pero bago ko pa man mabasa yun...

-Author's Note:

Anu guys, oks ba? parang abno lang eh, pure english sa prologue tapos pagdating ng chap 1 deep tagalog. Pero anu? Ayus ba? Anu say mo? comment mo naman. :)) vote ka na din please. :)

Virus Contamination (Zombie Apocalypse) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon