SA SAKAYAN NG JEEP

566 17 10
                                    

Sa sakayan ng jeep, laging sigaw ng kundoktor, "Kulang pa ng isa, lalarga na!" kahit puno na. Yung iba naman, nakikipagsisikan talaga. Parang sa isang relasyon, kahit sobra-sobra na ang ibinigay mong pagmamahal sa kanya, hindi pa rin siya makontento at naghahanap pa ng iba. Kaya hindi maiiwasang may kabet.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

Pasahero: Bayad po.

Drayber: Ilan 'to?

Pasahero: Isa lang po, palagi naman eh. Sanay na nga akong mag-isa.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa jeep. Ganyan din ang pag-ibig. Lalong di mo kontrolado kung kailan siya bababa.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

Nagmamahalan na ang mga bilihin at gasolina. Tayo na lang ang hindi pa.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

Drayber: Estudyante?

Pasahero: Opo. 1st year high school. Hindi pa nireregla pero may pitong crush na.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

 

Drayber: Saan galing?

Pasahero: Nag-group study po. Tapos, alam niyo po andun din yung crush ko. Magdamag niya akong tinuruan sa Math. Tapos nung nag-exam kanina, 0 nakuha ko. Hihi.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

 

Drayber: Saan yung bente?

Pasahero: Ano? Kakaabot ko lang, nawala agad yung bente ko?!

 ~o~O~o~O~o~O~o~

 

Drayber: Estudyante?

Pasahero: Electronics and Communication Engineer. Board Passer.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

 

Drayber: Ilan dito sa bente?

Pasahero: Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.

 ~o~O~o~O~o~O~o~

 

Drayber: Saan galing?

Pasahero: Nag-motel. 3 hours kami dun. At wag kayong judgemental please. Gumawa lang kami ng loombands.

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon