Pinalo Kita Dahil Mahal Kita

95 4 0
                                    

Sa una mong iyak,

ngiti ang nakapinta

sa aking mga mata,

ligaya na magisnan

mo na ang kagandahan

ng mundo.


Sa una mong lakad,

ngiti ang nakapinta

sa aking mga mata,

ligaya na samahan ka

kahit saang dulo

ng iyong paglalakbay.


Sa una mong salita,

ngiti ang nakapinta

sa aking mga mata,

ligaya na marinig

mula sa tinig mo,

pagsambit ng pangalan ko.


Sa una mong mali,

luha at sakit ang nadama,

subalit pinalo kita

upang malaman mong

mahal kita,

pinalo kita dahil mahal kita.

Mahal kita,

at nais kong ipabatid sa iyo

na nagkamali ka,

ayaw ko lang ulitin

mo pa ito.


Ngunit napagtanto ko

na hindi ka matototo kung

hindi ka magkakamali,

na hindi ka matototo kung

hindi mo madadanas

ang pagkabigo,

kaya pinalo kita

dahil mahal kita.


Mahal kita,

at lagi lang akong nasa likod mo,

kahit saan ka man

dalhin ng iyong mga paa,

o kung pagsawaan mo na

ang mga emosyon sa mundo.


Mahal kita,

at tanggap ko

hindi mo na ako kasama

sa iyong mga paglalakbay,

subalit narito lang ako

naghihintay

sa iyong pagbabalik.



-JK Cabresos / Lhordyx



Happy Mother's and Father's Day. :)

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon