NAKAKABITTER PALA ANG AMPALAYA

98 2 0
                                    

Oo. 

Nakakabitter ang ampalaya,

kasi nagmamanhid-manhiran ka,

at yung torpe-torpehan ba,

tsaka aamining may gusto sa'kin,

tapos lalayuan lang pala't papaasahin.

E, sa umasa din ako.


Gusto ko pa naman maging sweet sa'yo,

kaso bigla ka na lang naglaho

nung nahulog na rin ang puso ko.

Ano 'to? Hide and seek?

Ako ang taya, ako ang maghahanap,

ako ang masasaktan, ako,

ako lang ba?

Wala bang tayo?


Nakakabitter pala ang ampalaya,

ulam ko yun kaninang ugama,

pero pati ba naman nung nakita kita

ang pait pa rin.

Akala ko kasi manhid at torpe ka,

e, may inaakbayan ka nang iba.


Yan ba bago mong papaiyakin?

Magtetext ka ng

"I love you"

"I miss you"

"Ikaw lang wala ng iba"

Siya ba?

Tapos kikiligin na parang tanga,

yun pala send to many, ampucha!


Sabi nga ng friends ko,

"Oh? Ba't ka nagpa-short hair girl?

"Hay naku!

Nakakabitter kasi ang ampalaya."

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon