Independence Day

89 2 0
                                    

Para sa mga LDR

na walang ibang magawa

kundi ang titigan na lang

paulit-ulit

ang mga kuhang larawan

ng kahapon,

nag-aasam na sa pagbangon

sa umaga

ay makita nang muli

ang pag-ibig

na matagal nagkawalay,


Sa mga kaka-break lang

na nagsawa na sa isa't isa,

na luha na lang

ang tanging nalalasap

ng bibig

at malabo na ang tingin

sa relasyon,


At sa mga na-friendzoned

na patuloy pa ring umaasa.

Umaasang may patutunguhan

ang paghihintay,

kasi ang tanging alam lang naman

ay ang maghintay.

Hindi napapagod,

hindi napapansin,

hindi nabibigyan ng atensyon

ang kanilang handog na damdamin.


Happy Independence Day!


Kung nasasaktan ka,

gawin mo ang lahat

para makatakas sa pagkabilanggo,

ayusin mo,

gawin mo,

hindi yung

puro quotes ka lang.

Wag kang magpakabayani,

dahil kahit ano pang sabihin mong

wala kang hinihintay na kapalit,

alam kong meron.

Walang tao

na gustong maghintay sa wala.


Wag kang magpakabayani,

hindi na uso ang magpakamartyr ngayon,

bumitaw ka na

kasi ikaw lang ang kumakapit,

siya, matagal nang bumitaw.


Ikaw lang ang nagmamahal,

ikaw lang ang nalulungkot,

ikaw lang,

habang siya naman,

masaya sa iba.

Kaya tama na,

bigyan mo naman

kahit kunting awa ang sarili mo,

nagpapakatanga ka sa taong

wala namang pake sa'yo.



-JK Cabresos / Lhordyx

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon