Panyo.

63 1 0
                                    

Yan ang lagi kong dala-dala

sa t'wing nakikipagkita ka.

Gusto mo lang naman akong makausap

upang may makinig sa mga litanya mo

sa boyfriend mong lagi mong iniiyakan.

E, sa kaibigan mo ako,

oo, kaibigan mo lang pala ako,

kaya tatahimik na lang.

Hanggang tagabigay lang ng panyo,

sa t'wing iiyak ka na naman.

Iwanan mo na kasi siya,

ako na lang sana,

tayo na lang kasi.

Kahit panakip-butas lang,

ayos lang sa 'kin yun,

tuturuan na lang kitang magmahal ulit.



-Jelord Klinn Cabresos / Lhordyx


ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon