Don't Lose Hope

144 7 0
                                    

Kung nababasa mo ito, swerte ka.


Bakit?


Kapag umalis ka ng bahay, at napatambay ka sa isang lugar, kagaya ng liwasan — mausok, maingay, maraming taong mainit ang ulo. May mapapansin kang barker na patuloy sa pagsisigaw para lang maambunan ang dalawa hanggang limang pisong barya. May makikita kang mga batang nagtitinda ng sampagita, o yung mga nakahiga lang sa daan — walang saplot, walang makain, walang mga magulang na sana ay nasasandalan. Sa kanan, isang lalaking nagtitinda ng kwek-kwek, fishball, tempura, at palamig. Sa kaliwa, isang aleng nagtitinda ng pinya. At sa pag-uwi mo, may makakasalubong kang isang mamang karga-karga sa likod ang malalaking foam at aparador para ibenta sa mga bahay-bahay.


Lahat ng tao ay may iba't ibang problemang nararanasan. May kanya-kanya tayong storya na isinusulat. Kaya kung ano man yang problema mo, huwag mo yang iwasan, bagkus, harapin at solusyonan. Kailangan lang nating isipin na yung mga bagay na hindi natin pinoproblema, ay pinoproblema ng iba.


Hindi mo ba naisip man lang na sa mga oras na ito, swerte ka pa rin. Swerte ka kasi may sarili kang computer, o kaya may pambayad ka sa internet café. Habang yung iba, nasa labas, at sa murang edad ay naghahanap-buhay na para sa pamilya. Tapos ikaw, nakaupo lang, naglalaro ng dota, pa-scroll-scroll lang sa facebook, may mamahaling cellphone, nakakapag-aral pa, at sasabihin mo pa ring, "Fudge!!! I hate this life!!!".


May ups and downs talaga. Para naman ma-appreciate natin ang meaning ng life, di ba? Kung puro kaligayan lang, hindi natin malalaman kung anong meaning ng pagsubok. Hindi tayo mago-grow. Hindi tayo magma-mature.


Don't lose hope. Kahit gaano pa kahirap yang problema mo, in His time, malalampasan din yan.


Don't lose hope. Pwede pa namang bumawi, ano pang silbi ng second chance, third chance, fourth chance. Ano pang silbi ng nth chance, kung susuko ka lang.


Don't lose hope. May better plans si God para sa'yo.


Don't lose hope. Inhale. Exhale. Repeat. Relax ka lang.


Don't lose hope. Maraming pwede na gawing inspirasyon — si crush, si lovelife, at syempre sina mama at papa mo.


Kung nasaktan ka, umiyak ka lang. Ilabas mo ang lahat ng hinanakit na nakabara diyan sa puso mo. Tapos, magsimula kang tumayo para sa future. Para sa brighter future!


Kung sa tingin mo, suko ka na sa buhay mo, subukan mo ulit. Meron lang kasing mga araw na badtrip at bad vibes ka, at init ng ulo lang ang pinaiiral mo, kaya sinusukuan mo lang kaagad.

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon