Bigas, Hindi Dahas

63 2 0
                                    

Hindi ho kami mga kriminal,

kami ho nagpapakain sa kanila,

bigas ho ang aming hiningi,

hindi mga bato at bala.


Hindi ho kami mga kriminal,

kami ho magsasaka lamang

na nais mapakain din

ang aming mga pamilya.


Ngunit pilit naming isusubo

mga bato at bala

na inyong hinihain,

pilit naming iinumin

mga dugong kasama

sa mga pawis namin.


Pipilitin ho namin,

dahil hindi ho kami

mga kriminal.



-Jelord Klinn Cabresos / Lhordyx  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon