Tula Ng Babaeng Hindi Maka-Move On

264 3 0
                                    

Bakit ba naging good-bye 'yan

kung mawawala ka lang pala

sa piling ko?

Mahirap pairalin ang utak,

puso kasi laging nanalo.

Bakit ba naging good-bye

kung luha pala ang kapalit?

Ganun na lang ba talaga ako

kadaling kalimutan?

Naglaho ang lahat

ng mga pangarap natin,

naglaho kasabay ng ihip

ng hangin.


Sabi mo, ipo-prove natin

sa kanila na may forever,

sabi mo, mamahalin mo 'ko

ng tapat at totoo,

pero bakit?

Anyare sa forever mo?

Hanggang one month lang pala.


Pucha naman!

Mas madali ka pang

nakamove-on kesa

sa forever na 'yan!

Bakit?

Mas maganda ba siya kesa sa 'kin?

Mas malambing ba?

Ano pa?!

Binigay ko naman lahat!

Bakit may kulang pa rin?


Bakit ba naging good-bye 'yan

kung magkakandaleche-leche

lang pala ang relasyon natin?

Sabi ko nga sa friends ko noon,

taken na ako,

Pucha! Taken for granted pala.

Tapos sinabihan mo pa 'ko,

"Tapusin na natin 'tong relationshit na 'to!"

Shit ka rin!

Someday, makakamove-on din ako.



-Jelord Klinn Cabresos / Lhordyx

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon